Saan Nga Ba Ko Dadalhin Ng Usapan Na Yun?
Minsan tinatanong ko yung sarili ko kung saan ako dadalhin ng pakikipag usap ko sa kanya at sa kakakaisip ko nag e-end na lang ako sa bahala na mode. Hindi ko din kasi alam at ayoko din mag isip ng sobra tsaka hindi maalis sakin na katulad din siya ng mga deputang mga paasa pero minsan iniisip ko din na hindi. Basta halo! Tsaka basta masaya ko na nakakausap ko siya, end of the story.
Ay tinanong din pala niya, parang na-curious din siguro siya. Napaisip din at naloka sa mga pinagsasabi ko. Yaan mo na weird din naman daw siya kaya maiintindihan niya din ang half-weird na tulad ko. Magkakaintindihan kami :) Pero sana hanggang dun na lang yun. Natatakot ako masaktan ulit e, de joke lang. Natatakot ako sa .... ewan! Puta! Ayoko na mag isip! Bahala na si ... siya kung saan niya ko dadalhin. Kung di siya tulad ng ibang lalaki, aba patunayan niya.
P.S Dapat last night ko pa 'to ipo-post e pinatulog lang ako nung isa dyan. Hahaha.














