No matter how hard you try to bring back the old times, at the end of the day, you'll realize that old times are just meant to be reminisced.

#iwtv#interview with the vampire#the vampire armand#assad zaman




seen from Indonesia
seen from Greece
seen from China
seen from Indonesia

seen from United States
seen from China

seen from United States

seen from Malaysia
seen from China

seen from United States

seen from Malaysia

seen from Türkiye
seen from Indonesia
seen from Germany

seen from United States

seen from Malaysia

seen from Poland
seen from United Kingdom

seen from China
seen from Iraq
No matter how hard you try to bring back the old times, at the end of the day, you'll realize that old times are just meant to be reminisced.
Life is all about taking chances.
Hi! Kailan ba ako huli nagpost dito or nagkwneto about my personal life? I mean, to be specific, love life :) Ang tagal nar in e no? Ang gulo kasi nitong mga nakaraang bwan. Kung alam nyo lang. Pero ngayon, biglaan man, kahit magulo, may taong dumating. Parang shooting star. Parang kailan lang, classmate ko lang sya nung high school.</>
Ngayon? Masaya na bawat paggising ko sa umaga. Yung taong nagsasabi na “Gagawin ko lahat maparamdam lang sa’yo kung gaano ka ka-special :)” Yung hindi papayag na mas mahal ko siya. Kailangan mas mahal nya ko. :”>
Nag-take ako ng risk kasi alam ko may patutunguhan to. Kung ano man sabihin nyo, isang malutong na LAKOMPAKE para sa inyo. Masaya kami. Walang basagan ng trip. Parang after ng paghihirap tsaka sakit na naramdaman ko, naging worth it dahil sakanya. Papakawalan ko pa ba? Syempre hindi na. Magtitino na ko Lord, promise :))) Sobrang iingatan ko kung ano man meron kami ngayon.
02.16.13 Mystical Cave Adventure
At dahil ayaw namin gumastos, nag isip kami ng magandang getaway adventure. Lol. Actually, inaya lang kami ng iba namin classmates. Then naisip namin why not to try something new diba. Hindi yung puro pagkain-mall-pagkain-pagkain nalang kaming apat. HAHAHAHA. So we decided na sumama. Matagal na rin kasi namin gusto pumunta.
Sa byahe palang papunta, di na biro. Di kasi namin expext na ganun kalayo. As in. Nagtrycicle lang kami tapos zigzag yung dinaanan na tipong magdadasal ka habang pababa kasi9 ang bilis. Lol. Then dun kami muna pumunta sa bahay ng classmate namin dun para magpahinga ng konti.
Tapos naglakad na akmi papunta. Nung una, nagtanong yung friend ko kung maayo daw ba lalakarin. Ang sabi nung classmate ko (na nakakaalam nung place) pag daw naka 20 (na beses) na daw kami na tanong kung malapit na tsaka nalang daw nya sasagutin. I though he was just joking. Pero mali kami.
Picture dito, picture don ang peg habang naglalakad. Tapos napansin namin pakonti ng pakonti yung bahay na nadadaaanan namin. Tapos wala ng dumadaan na sasakyan. After an hour of walking, wala na kaming abhay na ankita. Wala na rin yung mga ngiti sa mukha namin. Pagod na kasi. HAHAHAHA. But I think it's one of the highlights that day. Nagkaron ng bond eh. Habang naglalakad nagkkwentuhan din. Di kasi namin akala na may ganun lugar sa Antipolo.
After, I think 1 1/2 na paglalakad, nakarating na din kami. Sa wakas! HAHAHAHA. Wala ng bahay na makikta tsaka bihira na din daw yung trycicle o jeep na dumadaan dun. Bangin na rin kasi yung kabilang side ng highway. In short, nasa bundok na talaga kami. Lol. Then pahinga kami ng konti kasi bago makarating sa cave, kailangan umakyat dun sa hagdan na 200 or 150 steps ang taas. Pagdating sa taas, wala ng nag uusap. Kain muna. Gutom eh. HAHAHA. At dahil pare-pareho namin di alam na ganun pala mangayayri, kaming apat, junk food ang baon. Pasaway no? Pero mahaba haba naman pahonga anmin dun. 1 hour din siguro. Tapos tsaka palang kami pumasok dun sa cave. Whooo.
Hindi kami masaydo nag picture sa loob kasi nakikinig kami dun sa guide na nagpapaliwanag sa mga mysterious images na nasa cave. Yeah. Kaya tinawag na mystical cave. Hahahaha. Wala din kasi kaming mga dalang flashlights kaya yung ilaw namin, pinahiram lang nung guide. Pasaway talaga. Lol. Ang ganda sa loob. I was amazed by the images na pinakita samin. Na-form lang yun dahil sa water keme. Minerals din yata. Then may mga rock formations din. Kaso di pwede hawakan. Nakalimutan ko na kung bakit. Nung narating na anmin yung dulo ng first floor ng cave, pinayagan na kami mag picture. Di kami pumunta dun sa 2nd floor kasi delikado na daw kasi baka gumuho yung mga bato. Actually parang basement yun eh. Kasi pababa ang way. Pero sabi ni kuya na tour guide, pag daw tumuloy pa kami dun, may makikita kami na cathedral dun sa dulo. Dati daw opensa public yun kaso hininto nila yung pagpapapunta para daw maiwasan na din yung mga kababalaghan na nangyayari. Ewan ko dun sa guide kung ano yun. Pero kinilabutan ako dun.
Siguro mga 30mins-1 hour din kami dun sa loob ng cave. Ang ganda eh. (minsan dun tayo mag meet up. HAHAHAHA.)
Tapos yung classmate ko sabi sa taas daw ng cave, may white cross. Maganda daw view dun. Kaya nagkaayaan umakyat sa taas ng cave. (sa labas kasi yung gate pababa papunta dun sa cave. dun sa right side naman may hagdan paakyat sa white cross)
Habang paakyat, nawawala na din yung hagdan. Naging matarik na yung inaakyatan namin. Sa bato nalang kami umaasa na kakapitan at aapakan. Mountain climbing. Hahahaha. Gusto sana namin bumaba na kaso sayang effort. Experience din yun. Kaya kahit masakit na mga binti namin, hala sige gora.
Habang paakyat, nagpicture ako nung mountain view. Yan. Kalahati palang naakayat namin nyan. Sa likod ko, puro bato na. Kailangan din naka linya kayo pag umakyat kasi bangin na yan. Ang sarap sa feeling kahit nakakapagod.
Tapos nung nasa tuktok na kami, yan yung nakita anmin. Tatlo yan actually. Pero masaydo na masakit sa paa yung bato kaya naupo nalang ako. Wala na kong ibang naririnig nyan kundi heartbeat ko dahil sa pagod. Wala na rin kami pake kung ano itsura namin sa picture. Pero tinignan ko yung paligid, green nalang nakikita ko dahil sa mga puno. Nakaka relief. Parang challenge na natapos ko. Hooray. Badtrip lang kasi ang init. Kaya after ko magdasal (Nag-thank you ako kay Lord kasi nakarating ako sa napaka-gandang lugar na yun :D) bumaba na rin kami na isa rin sa mga mahirap na ginawa namin. Kung mahirap paakyat, mas mahirap pababa kasi madulas. Lol. Narinig ko na yung iba kong classmate na angmumura. Yung iba sumigaw kasi nadulas. Pero nakababa naman kami ng safe. Pagod nga lang. Hahahaha.
Nagpahinga kami dun sa may kubo sa baba. We decided na bumaba na dun sa pinaka high way. Habang pababa, ramdam ko na yung panginginig ng legs ko. Naisip ko kasi yung layo ng lalakarin nanaman namin. Buti nalang, may dumaan na sasakyan (parang delivery truck eh) tapos sumigaw yung mga classmate ko kung pwede maki sakay.
Pinasakay namin kami dun sa likod. HAHAHAHA. First time maki-hitch. Ang sakit padin sa legs kasi mga nakatayo kami tapos pag dadaan sa lubak feeling ko malalaglag kami. Pero isa naman yun sa di ko makakalimutan.
Nahatid kami kaso iba na yung way nung mga naka-sasakyan kaya binaba na kami sa kanto which took us 30 mins na lakarin papunta dun sa bahay ulit ng classmate ko. Ok na yun. Kumpara sa 1 1/2 hour na nilakad namin nung tanghali.
Pagdating sa bahay ng classmate ko, kumain tapos nagpahinga. Jusme. Tinatamad na nga kami umuwi eh. Sa sobrang pagod.
Tapos pagkauwi ko, natulog na agd ako. Di ako makadaing na masakit katawan ko. Di kasi ako nagpaalam. Hihihi.
Usapang Patay.
Minsan ba naisip mo na kung pano ka mamamatay? O kaya natanong mo na ba sarili mo kung ready ka na nga a mamatay? HAHAHAHAHA. Ang weird no? Pero ako,oo. Araw araw halos.
Minsan napaguusapan na din namin ng kaibigan ko ang akmatayan.
Kaibigan:Pag ako ba namatay iiyak ka?
Ako: Oo. Pero after 23 days na.
Kaibigan: Bakit?
Ako: Gago ka? Syempre alangan naman unahan ko kamag anak mo sa pag iyak.
Kaibigan: Sabagay. Ako din pag namatay ka baka mga 3rd day na kami. Syempre sa first day mga kamag anak mo. 2nd day, mga ka-tumblr mo malamang kasi instant meet up yan. Baka pumunta pa si Nick (nickastig) eh di fulfillment of my dreams na.
Ako: Oo. Tsaka starbucks ang kape ko no.
Kaibigan:This lamay is brought to you by, starbucks. Ganon?
Ako:Oo ganon. *laughs*
Kaibigan: o kaya sabay nalang tayo.
Ako:di pwede. mahahati oras nila. Gago ka. Inggitera ka pa naman.
Nung high school ako, natatandaan ko, gusto ko ma-comatose. Alam nyo yung parang sa movie? Yung pag naaksidente yung bida dadalhin sa ospital tapos kung anu-ano na yung nakakabit sa katawan nya. Ganun. Yung tipong naka oxygen ako. Tapos meron pa yung para sa heartbeat. Pero gusto ko mamamatay ako agad. Ayoko nung makkita pa ko ng mga kaibigan ko na ganun. Para hindi nakakakonsensya na mangiwan.
Patay. Lahi namin topic ng kaibigan ko pag minsan seryoso usapan namin. Tinatawanan ko minsan pero napapaisip talaga ko. Pano nga ba ko mamamatay? Kelan kaya? HAHAHAHAHA. Nakakatakot malaman yung sagot. Pero di ko naman hawak oras ko. Malay natin. Malay ko. Pero lahat naman tayo dun papunta. Unahan lang yan. Char.
Don't let him have the satisfaction of knowing you'll always be there waiting.
Dear PK.
Hello. Kamusta na? Tagal na natin hindi nagkakausap. Miss ko na kayo. Ano na ba nangyare sa inyo? Paramdam naman kayo minsan. Ang dami ko gusto sabihin. Kilala nyo pa naman siguro ako diba? Wala. Alam ko busy na tayo. Alam ko din na yung iba satin eh nakatagpo ng mga bagong kaibigan. Aminado ako dun. Pero hindi ibig sabihin nun eh hindi ko na kayo naaalala. Alam nyo ba, pag may kausap ako minsan nakukwento ko kayo sakanila. Tapos matatawa nalang ako sa sarili ko kasi maaalala ko nanaman yung mga panahon na araw araw o gabi gabi tayo magkakausap. Sobrang namimiss ko na kayo :( Kahit simpleng "Hi Cha. Buhay pa ko." ok na sakin. Basta malaman ko lang na kahit busy na kayo eh sumagi naman ako sa isip nyo kahit saglit lang. Sobrang namimiss ko lang talaga kayo.
ONLINE CHECK.
Medyo magaling na akezz. Keri boom boom na ulit. Hihi. Back on track. Hi! :)
Nyerk.
Ako&Mike: Nagkkwentuhan about JambaJuice-an. Allan: ok. OP here. Ako: Ayan di tayo magets ni Allan. Dapat kasi yung naiintindihan nya. Mike: Eh ano.. Ako: dapat language nya. ..... Ako: Nyerk. Nyerk. Nyeeeeerk. Allan: Gago ka Cha. Kami: HAHAHAHAHAHAHA.