Una
Mahigit isang dekada ko ng dala-dala Itong pag-ibig ko sayong hindi mawala-wala Matapos ng siyam na taon ay pinagtagpong muli Sa anim na buwang ika'y kasama, puso'y nagalak at sumaya Ngunit tadhana ay mapaglaro, ang saya'y naging luha Sa ating kamaliang nagawa, nagpasyang lumayo sa isa’t isa Malayong malayo hanggang sa ikaw ay di ko na maalala Puso'y nabingi at nabulag sa pagmamahal ko sa'yo sinta Bakit pa kasi pinilit at sumiksik gayong wala naman talaga Ngayo’ alam ko na kung ano talaga Ang katanungang naglalaro sa isipan ay masasagot ko na Natatawa at napailing na lang nang bumitaw ka na ng mga salita Salitang taliwas sa inaasahan kong madinig mula sa iyong nga bibig Mapait, masaklap, masakit; ano pa bang pwede kong itawag sa nadarama? Ako'y natauhan at nagpasyang magpaalam, Ngayo'y di na mangugulit pa Ngayo'y di ka na guguluhin pa Pasensya ka na, minahal kita.









