Umaga saken, gabi sa kanila. Simple lang ung pinagawayan namin as A friend. Pinag awayan namin ung binigay niya ung number niya sa Staff ng mang inasal hahahaha . dapat mabilis lang maayos eh, Bottom line lang naman kasi niyan mali ung nagbibigay ng number sa hindi mo kilala. Pero dahil matigas ung ulo niya at sa tingin niya na Okay lang ung ginawa niya, Medyo lumalim ung pagtatalo. So ginawa ko pinarealize ko sa kanya na mali ung ginawa niya na binigay niya ung number niya sa Staff ng mang inasal, eh ang dahilan naman niya kaya niya binigay ung number niya, kase kahit hindi ung staff ung mag sesserve sa kanya siya nagseserve sa kanya tas nung naghugas daw siya ng kamay binatayan daw ung bag niya tas baka daw paabangan daw siya kase ganito blah blah, tas nung paalis na siya hiningi ung number niya at siya naman binigay niya as parang utang na loob sa ginawa niya. Tas ako naman hindi ako makapaniwala na binigay niya ng ganon lang ung Number niya na parang candy. tas sabi niya “kesa naman daw na wag ibigay, at pwede naman daw ibigay na wag replyan” tas ako, may point siya konte na hindi rereplyan pero bat niya pa binigay kung hindi rin naman niya rereplyan. eh syempre lalake ako alam ko na may pag may nanghingi ng number ng babae eh may something, di pwedeng wala, ano yon kabaliwan. tas yon pinipilit niya pareng Okay lang ung ginawa niya na OA daw ako kase number lang naman daw yon.
Few moment later nagreply siya, Minura niya ako Hahaha pero okay lang kilala ko naman siya nadadala lang siya sa nararamdaman niya tsaka naiinis ko na ren naman siya kase nga diba sino ba namang tao ang matutuwa pag pinagsasabihan nung kung sinong tao hahaha tas Bigla niyang sinabi na “subukan mong mag sabi ng kung ano ano sa ibang tao” eh ung time na yon nagtanong ako sa kachurchmate ko na babae, tas gumawa ako ng kwento pero literal na kwento pala yon hindi lang basta tanong hahaha tas ayun tinanong ko siya kung tama ba o mali sabi niya mali kase…
Churchmate: “Kahit na sabihin mong naging mabait sayo yung staff na yun, hindi pa rin tama na basta basta mo nalang ibibigay number mo. Hindi mo pa rin sya ganun kakilala, kaya dapat hindi ka basta basta nagbibigay ng number. unless napopogian ka or type mo ung staff”
Churchmate: "Tska baka mamaya isipin nung staff na ang baba ng standards nya kasi basta basta lang sya nagbibigay ng number sa taong hindi naman nya kakilala”
Churchmate: "Hindi naman sa pang jujudge ah, pero hindi pa kasi nya kilala yung staff. Maraming tao dyan na nag babait baitan pero ang totoo masama ang intensyon dun sa tao”
Churchmate: "Basta mag iingat kamo sya. Wag nya nalang ulitin :)”
tas ayun balik tayo sa kanya. Tas yung sinabi niya yon alam ko na parang nakutuban niya na ikukuwento ko sa iba, Tama naman ung kutob niya. Pero may kutob den ako na inopen niya ung FB ko (binigay ko kase dati) tas ako syempre alam niya at parang nabasa niya ata lahat ng conversation namin nung Kachurchmate ko kaya medyo maingat ako sa pagreply, you know Mahirap na hahaha Tas ayun napamura siya at nilait niya ung Kung sino man ung tinutukoy niya (as my instincts says ung kachurchmate ko yon) tas alam niya na babae ung pagtatanungan ko hahaha tas ayon sinabihan ko siya..
Ako: “Eh kase ang tigas tigas ng ulo mo, Kaibigan mo nga lang ako pero dibaa kelangan mo dins ng may magsasabi sayo ng mali and i know na hindi dapat ako yon”
tas yon medyo bumaba ung pride niya ng konte sabi niya…
Siya: “Siguro para sa iba mali or panget pero wala akong ibang choice eh ayoko mag taray eh… lagi na lang pag mag isa ako may mga ganyan kahit may kasama, so hindi na bago.”
Ako: "hindi naman pagtataray kung hindi mo ibigay ung number mo eh, ibig sabihin non nagiingat ka lang, eh ano naman kung isipin nila na mataray ka malamang nagiingat ka eh, ano yon basta basta ka lang ba?… Hindi naman dibaa?
yun sinabi ko ung “hindi naman diba?” kase kilala ko siya hindi siya ganon, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at binigay niya ung number niya hahaha
eto ulet siya..mataas ulet hahaha
Siya: “T*ng ina nag bigay lang ng number basta basta agad?”
Siya: “Bahala ka diyan block na kita para manahimik ka :))”
tas ako, Okay lang naman saken kase may dahilan naman talaga siya para iblock ako. Tas ayun joke lang daw syempre di daw niya gagawin yun. tas ayun sa back to instintcs sabi ko sa kanya “Thanks sa pagopen ng Fb ko” tas sabi niya hindi daw niya matandaan ung user and Pw ko, eh madali lang naman sauluhin ung saken so ewan ko ren, minsan mali ang instinct minsa tama ren. So sabi ko “sa mga sinabi niya may kutob ako na binuksan niya, and i have enough evidence hahaha“. “Then show me before u speak” she said. Eto ung mga Evidence ko..
Ako: “Una kase iniisip mo na sasabihin ko kay rhona” (rhona ung pangalan nung source ko sa kanya “Dati” na kaibigan namin pareho)
Ako: “Pangalawa bigla mong siningit na Put*ng ina niyo kung sino man ung sinabihan mo”
Siya: “Una tumawa ka, kase yung hula ko totoo”
Siya: “pangalawa sabi mo wala na si rhona so probably sa iba” (offline na si rhona non so..)
Ako: “Pangatlo nilait mo na, minura mo pa”
tas siyaa parang hindi sure na ewan, Instincts lang kase eh.
Siya: Pangatlo Yung lait di ko sure kasi malay ko ba sa hitsura eh kung si rhona yun di ko naman sasabihan ng ganun syempre”
Ako: “Di ko sure? Pero sure kang Put*ng ina siya? tsaka first of all sudden ung pagkakasabi mo”
Bumababa ulet siya ng pride Sabi niya..
Siya: “hindi galit lang akoo, sorry dun..”
Siya: “Bc instincts are all of a sudden”
Siya: “Sige na matutulog na ako” pero naiinis lang talaga siya kaya gusto na lang niyang tulugan ung pagtatalo namin.
ako: “Pang apat alam mo ung isasagot niya..”
siyaa pang apat na dahilan niya..
Siya: “Pang apat di ka magoopen sa tao na alam mong mag didisagree sayo”
Siya: “Kasi kung hindi ako yung babaeng gumawa nun baka ganun din sabihin ko”
ako: “So alam mo na tama ung ginawa mo? Kase sabi mo dun sa sinabihan ko. gusto ko kaseng sabihin niya nagkamali siya pero.. wala eh tigas ulo eh hahaha
Siya: "Malamang kaibigan mo naman yun eh, So di siya mag ddisagree, Tsaka Put*ng ina i dont have to explain myself in the first place"
Siya: "ang kulet mo eh, Edi isipin mo kung ano gusto mong isipin”
Ako: “Pwede naman niyang sabihin Tama, pero dahil alam niya na mali. malamang mag ddisagree siya dibaa??”
Siya: “kung kaibigan ka talaga di ka naman magiisip ng ganun eh”
Ako: “kung kaibigan mo ako sasabihin mo ung totoo” Tinutukoy ko kung inopen niya ba ung FB ko o hinde :))
Siya: “Bakit nagsisinungaling ba ako”
Siya: “Mukha bang nagsisinungaling pa ako sa lagay na to?
Ako: “ And sabi mo instincts are all of a sudden”
Ako: “Eh may instincts din naman ako”
Ako: “so baka tama ung instincts ko or baka mali din dibaa”
pinapaamin ko siya eh wala hindi natinag hahaha
Ako: “Bottom line magiingat ka lang”
Ayun medyo parang naliwanagan na ata siya, medyo narealize na mali siya. theoretically Baka nabasa niya ung sinabi nung Kachurchmate ko… Baka hindi ko ren alam siya yan eh hahaha
Siya: Ok pupunta ako sa Cavite bukas nag invite si mokong, birthday niya, mag iingat ako Thanks.
Ako: ohh maangas luluwas ng Cavite :))) Good maingat
Siya: Pinag iisipan ko nga eh haha. Anyway Sorry sa Bad word and thanks for your concern…
marunong naman pala siyang magpakumbaba eh, a part of me was so relief. kala ko dito na matatapos ung pagkakaibigan namin eh :))))
Ako: May pasok ka bukas tas luluwas ka sa cavite well bahala ka dyan hahaha
Ako: Okay lang sus, expression lang ung bad words tsaka maraming bess na akong namura hahaha no biggie as your friend
Siya: Malamang After ng pasok….. Naisip mo ba yun?
Siya: Sa tingin mo ba mag cucut ako?.. After ng klase syempre
Medyo mataray, pero pag nakilala niyo siya magiging normal lang :)))
Ako: oo naisip ko yon, eh anong oras kana uuwi? syempre magbibihis kapa
Ako: tas syempre pagod kana non
Siya: Sorry pa din di gawain ng born again yun eh super sorry
naiiyak ako para sa kanya kase blah blah… Mahabang kwento eh. Peace :)))
Siya: Malamang may baon na damit, Ok lang once a year lang naman haha
Siya: Wala naman pasok bukas
Siya: DADDY JP ANOBA (hindi ko alam baket niya akong tinawag ng ganyan, no clue at all :)))) ) maybe too much concern? I don’t know Hahaha
Siya: HAHAHA…. (infinite laugh)
Ako: Pwede naman humingi ng forgiveness eh, tsaka nadala ka lang sa nararamdaman mo hahaha
Ako: odi sige nga sure naman atang pupunta ka, bat mo pa pinagiisipan
Siya: Malay mo tamarin ako
Ako: WAG SAKEN!! HINDI AKO SANTO HAHAHA
Siya: Di naman kelangan maging santo arte eh haha
Ako: Sabagay, eh ikaw yan eh hahaha
Siya : Edi Pupunta na haha Osiya Goodnight na 1am na dito
Ako: oo nga eh, osige na pinapatawad na kita. wala naman kase yon eh hahaha
Siya: basta Nga sorry haha matutulog na talaga ako pls
Ako: Sige punta ka nga, ikaw nga kase yan, ssupportahan lang naman kita sa gusto mo hahaha
Ako Onga noh :(( maaga ka pa bukas hahaha
Ako: Goodnight (her name here)
Siya: Ge send ako pic pag meron haha goodnight jp :)
Ako: gusto ko marami hahaha (demanding ang bata)
Siya: (sent a video message) saying goodnight and adios
ayun dyan natapos ung conversation namin haha Part of me was so relief na natapos ung conversation namin na walang sama ng loob, Well maybe siya meron pero marerealize din niya yon sooner or later. tas ayun masaya ako kase i feel na i already Crack the code and i feel that i already got a golden ticket to the chocolate factory, you know that feels? So Happy..
Thanks sa oras ng mga nagbasa at nagtiyaga , i hope nagets niyo ung kwento. maraming salamat :)))