Sa isang saglit
Sa isang saglit, muling napangiti ang mundong dati’y puno ng lungkot Binalot mo ng pag asa ang pusong nalulugmok. Pinuno ng ligaya ang bawat araw na dumaraan Pinangako mo na ito ay magpakailanman.
Sa isang saglit, ako ay muling umasa Na muli ay liliwanag ang mundong puro kadiliman na Ikaw ay pinatuloy, pinahalagahan at minahal Ngunit di inaasahang, hindi magtatagal.
Sa isang saglit, ikaw ay biglang nagbago Lahat ng mga sinabi tila ba biglang napako Alam kong wala akong karapatan na maramdaman ito Pero ang puso ko ay sobrang dinurog mo.
Sa isang saglit lang, gustong muli kang makita Upang maitanong, ni minsan ba ako ay naging mahalaga Ni minsan ba, ako ay iyong minahal? O iyong naalaala lang dahil iyong kinailangan














