Sa Mga Tala
Sa mga tala
Pwedeng mangarap
Nang walang alintana
Habang kasama ka
Nais kong hindi matapos
Ang gabing ito
At hawakan ng mahigpit
Ang mga kamay mo
O kay sarap umibig
Dinig mo ba ang pintig?
Parang hanging kumakausap
Tila tayo’y nasa ulap
Sa mga tala
Tinupad mo ang pangarap
Dahil ang nais ko lang sa buhay ay
Ang makasama ka sa habang-buhay.








