Lahat na lang ba sa buhay ko kailangan kunan ng test at exam?
So ayun busy pa rin ang inyong pixie girl. Dapat talaga papacheck up na ko sa mata noong thursday kaso ayun niyari ko hanggang 6am yung isa kong paper. Ang ending di ako pinayagan na magpacheck dahil baka mamaya mas mataas na grado makuha ko. (Sana sa mga prof ko rin)
So kahapon lang talaga ko nagkatime magpacheck up, pinilit ko talagang maaga na matulog ng saturday. 2018 pa yung last na check up ko kaya grabe yung ginhawa at linaw sa paningin ko. (Mukha ring malinaw na babagsak pa ko this sem.)
Yung pinalit ko na frame ay halos kapareho lang ng dati ko, di lang siya fully rounded talaga kasi narealise ko na di bagay sakin ganun kabilog na frames.
Nakakatawa lang kasi after ng eye check up na to ay sinundo kami nina tita at nakarating kaming sm pampanga, isang taon na rin akong di nakakarating ng pampanga. Ang sarap lang na makagala at makahinga, sure may COVID pa pero I needed the break kasi maloloka na ko. Okay lang namang bumagsak ako at least buhay at kaya pang magpatuloy.
Stroll at kain lang ginawa namin sa pampanga. Pero yung byahe papunta ang malupitan na ginawa ko, nakapagmeeting pa ko sa org and nag ayos ng qr code para sa pass namin ni mommy.
So yun ang ganap ko yesterday, naway pag tyagaan niyo pa mga rant ko at pessimism ko dahil yun lang coping mechanism ko. Hehehe