Sigaw ng Pusong Nagmamahal at Nasasaktan
Siguro tama na yung kalahating taon kong pinaniwala ang sarili ko na pwedeng magkaroon ng tayo. Siguro tama nang pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na yung mga tingin mo, yung mga ngiti mo, ay para lang sakin. Siguro tama na yung mga nakaw na tingin ko sa mukha mo. Siguro tama na yung mga ngiti ko tuwing masasaktuhan kong nakatingin ka saakin pag tumingin ako sayo. Siguro tama na yung mga araw na pinipigilan ko ang sarili kong i-message o kaya i-chat ka. Siguro tama nang itigil kong tumitig sa litrato nating dalawa, na mukhang pilit lang naman ang mga ngiti mo. Siguro tama nang inaabangan kitang dumating tuwing umaga. Siguro tama nang ikaw ang maging dahilan para mabuo ang araw ko. Siguro tama nang itigil kong ipagsigawan sa kanilang lahat na ikaw ang inspirasyon ko. Siguro tama nang ipagpilitan ko ang puso kong mahalin ka pa. Dahil hindi na tama. Dahil nasasaktan na ako ng sobra. Dahil alam kong itong pagmamahal na 'to, wala namang patutunguhan. Dahil itong nararamdaman ko na 'to, alam kong ito rin ang sisira saakin kapag mas pinalalim ko pa 'to. Dahil hindi ko na kayang makita kang tumitingin sa iba. Dahil baka hindi ko makaya, pag nalaman kong nagsimula ka na ulit magmahal ng iba. Tama na siguro yung sakit na nalagpasan ko nung nagustuhan kita pero bigla kang nagkagusto sa iba. Tama na siguro. Dahil baka sa susunod, yakapin nalang kita bigla at ipagpilitan ko ang sarili ko sayo. Ayaw ko namang umabot ako sa ganon. Ayaw kong umabot sa punto na para na akong tangang nagmamakaawa na mahalin mo din ako. -- Thoughts at 11:59pm. 07.09.2017













