I feel lost. Paulit ulit ko tinatanong sa sarili ko, bakit ako nandito. Bakit ba ulit ako araw araw na pumapasok sa trabaho. Bakit ako IT. Anong gusto ko? Anong kaya ko? Anong talent ko? Saan ba ko lulugar sa mundong to. Hindi ko na makita yung worth ko sa ginagawa ko araw araw. Hindi ko sigurado kung saan na patungo tong buhay ko. Ang hirap. Ang hirap mabuhay. Marami ng taong sumusuko araw araw. Pero ako? Hindi pa. Kakayanin ko pa. Wala akong ibang gusto kundi maging masaya. Pero ang tanong ngayon, paano? Susubukan ko ulit. Mahahanap ko rin kung ano talaga yung para sakin. Yung lugar na hindi nakakamatay. Pakiramdam ko nagnanakaw ako ng pangarap ng iba. Hindi ako masaya. Ang bigat talaga sa pakiramdam.








