Cloud thinking it’s easy for Tifa to make friends when it’s her insecurities pushing her to please everyone. Tifa thinking Cloud prefers to be alone when it’s his insecurities spurring him to isolate from everyone. Neither of them considering the other could be unhappy because they admire and maybe even envy these qualities in each other, seeing them as strengths.
The “Deep Dive Into the Emerald Sea” poster between them in particular when Cloud confesses he was never happy by himself as a kid… And then again at the end of that conversation, when Cloud says it’s never too late for them to make up for lost time/get to know and understand each other now…
Foreshadowing when they fall into the Lifestream together and see Cloud’s memories from their childhood later.
What I’d really like to see tbh is the democratic socialist movements and proto-parties form themselves into a Second International (i.e. an International of Marxist influenced mass socialist parties which put value in class struggle organising, trade unionism etc) type set up in which (much like the original Second International) revolutionaries operate as an organised tendency aiming to keep and/or win these new mass parties to a socialist programme and would be able to split from them if/when they betray us and take the mass organisations with us (much like the splits of the CPs from the social democratic parties). I think there’s scope for this considering that there is already a lot of international cooperation between left parties in the form of European United Left (but it’s a more bureaucratic cooperation linked with representation in the European parliament) but then a lot of blocks to that given how European these movements are and how little cooperation there is between left parties in the third world, which limits the ability for these parties to remain a truly progressive force - perhaps strengthening links between the European Left and ALBA (as Melenchon’s programme hinted at) and new democratic socialist movements in South Africa and Tanzania could be the beginnings of a way out of that. But then again I am a Militant trot so I would think that.
Nakabibingi ang katahimikan ng gabi. Naririnig ko nanaman ang pintig ng aking pulso, naririnig ko nanaman ang pangalan mo na isinisigaw ng aking puso. Matagal tagal na rin magmula noong banggitin ko ang pangalan mo, banggitin ang pangalan ng taong muling nagpatibok ng aking puso. Matagal tagal na rin noong marinig ko ang iyong mahalimuyak na tinig; ang pinaka paborito kong himig sa buong daigdig. Matagal tagal na rin noong makakita ako ng obra mestra. Matagal tagal na rin noong maramdaman ko ang presensya mo sa aking tabi. Ngunit heto ako ngayon, binabangungot sa mga memoryang iniwan mo.
Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala? Siguro hindi na pero ako, tandang tanda ko pa ang lahat. Noong nawawala ka sa araw na yun, hindi alam kung saan tutungo kaya nilapitan mo kami—hindi, nilapitan mo ang mga kaibigan ko. Hindi ako mapakali habang kausap mo sila, sakanila ka lang naman interesado noong araw na yun kaya hinayaan ko nalang makinig sa mga pag-uusap ninyo. Hindi mo rin naman siguro ako napansin dahil ang liit ko at ang tangkad mo o baka wala ka lang paki sa akin.
May mga panahong ako ang kinukulit mo sa mga school stuffs kahit na hindi naman tayo ganoong kalapit sa isa’t isa. Ang dami mong tanong at hindi ko namamalayan pati istorya ko gusto mo ng malaman. Naging magkaibigan tayo noong panahong yun. Nagkaroon tuloy ako ng tsansang makilala ka, kahit ayaw ng sarili kong kilalanin ka. Nakakainis ang mga ngiti mong nangaakit, tawang tawa ka noong napili ako (dahil aksidente kong natamo ang mga nanlilisik na mata nang ating guro) para gampanin ang isang karakter sa play na gagawin ng ating kapinsanan para sa gaganaping okasyon sa eskwelahan. Nakakainis, bakit ako? Nanginginig ako habang patungo sa kabilang silid at mas kinabahan ako na sa pagpasok ko, wala akong kilala ni isa sakanila. Umupo ako sa harap ng mag-isa habang ang lahat ay nagtatawanan at nagkekwentuhan. Nanalangin ako noon na sana kasali ka. Pinatong ko ang aking ulo sa pagitan ng aking mga binti para umidlip saglit. Pagkaraan ng ilang minuto, may kumalbit sa akin at sa pagtingala ko nakita ko ang mukha ng taong inaasam asam kong makita. Napangiti ako dahil hindi na ako mag-isa.
Mamula mula at nag-iinit na pisngi sa tuwing idinidikit mo ang iyong labi. Nanakaw ng halik sa tuwing nawawala sa sarili kong imahinasyon. Dahan dahang magdidikit ang mga palad, hahawakan ang kamay sa tuwing kailangan ko ng karamay. Naaalala ko pa, naaalala ko pa ang mga sandaling tayo ay masaya. Naaalala ko pa ang biglang pagtunog ng aking telepono at sinabing ako ay hinihintay mo sa aming kanto. Tinanong kita kung ano ang ginagawa mo diyan, sinabi mong samahan kita para kunin ang isang bagay. Sumama ako, bahala na kung saan tayo tutungo basta magkasama tayo. Sumakay tayo sa napaka ingay sa traysikel, idagdag mo pa ang kaingayan ng mga sasakyang naguunahan sa kalsada. Pero isang ingay lang ang naririnig ko noong magkatabi tayo sa loob, ang ingay ng puso ko. Namangha ako sa angking karisma mo para mahimok si manong na tawaran ang pamasahe natin. Namangha ako dahil hindi lang si manong ang nahimok mo, pati na rin ako.
Gabi iyon nang magaya kang mag McDo kasama ang iba nating mga kaibigan dahil kaarawan mo nun. Masaya tayong kumakain, nagkekwentuhan hanggang sa hindi natin namalayan na dumidilim na pala ang kaulapan. Umuwi tayo kasabay ang iba, nasa loob ako ng traysikel habang ika'y nasa likod ni manong. Huminto ang traysikel sa kanto namin kung saan mo ako hinintay noong nakaraan. Isa isa akong nagpaalam sa ating mga kasama bago ako bumababa. Ngumiti ako sa'yo at sinabing “Paalam. Salamat!” at saka ako naglakad palayo sainyo. Ngunit hindi pa pala nagtatapos doon ang gabing iyon, tinawag mo ako sa hindi ko alam na dahilan. Ngumiti ka at binitawan ang mga salitang nagpabago sa ihip ng hangin. Ramdam ko ang mga paru-paro sa tiyan ko na gustong kumawala. Naririnig ko nanaman, naririnig ko nanaman ang pintig ng puso ko. Ang lakas, sobrang lakas. Bakit ganito? Alam kong biro lang iyon sa'yo kaya hinayaan ko na lang hanggang ako’y makahiga sa aking higaan. “Mahal din kita” pabulong kong saad at pinikit ang aking mga mata.
Naaalala ko rin nang dahil sa simpleng panulat, nagkaroon tayo ng konting alitan. Hindi ko maintindihan pero pagdating sa’yo, lahat ay napakalaking bagay. Nagmamadali akong nagsusulat ng ating panayam habang mabilis na nagtuturo ang ating guro. Sa sobrang bilis ng pagsasalita niya, wala na akong naintindihan kaya napagdesisyon kong makopya ang kanyang powerpoint. Tarangtang taranta ako habang ikaw ay natatarantang nanghihiram ng panulat nang bigla mo na lang hablutin sa aking palad ang sa akin. Sabi mo sandali lang, kaya hinayaan kita. Nainis ako, sobra. Nang napagdesisudahan mong ibalik, hindi kita pinansin. Alam mong naiinis ako noon, kaya humingi ka ng paumanhin. Okay na kako ngunit hindi ka tumigil at nagulantang ako nang lumuhod ka sa harapan ko. Napansin kong ang mga taong busy sa pakikinig, sabay sabay na napalingon sa atin. Unang beses mong ginawa iyon. Maliit man na bagay, ewan ko, napaka espesyal ng araw na iyon lalo na nung ako ang napiling mong maging katabi sa ating fieldtrip.
11.10. / Ang daming nangyari sa araw na yan. Tandang tanda ko pa ang araw na parang ako at ikaw lamang ang nakatira sa mundong ito. Ayan, magkatabi tayo tulad ng hiniling mo. Ngunit bago lumubog ang araw, nagalit ka sa hindi ko malamang dahilan. Nagtago ang isang tulad mo sa kurtina ng bus, gusto kong tumawa dahil para kang bata. Pilit man kitang kumbinsihin na magkaayos tayo pero ang tibay ng puso mo. Hinawakan ko ang iyong kamay at hindi ka naman pumiglas. Iyon na siguro ang pinakapaborito kong hinawakan noong araw na iyon kaya hinawakan ko yun hanggang sa makarating tayo sa ating huling destinasyon. Magkatabi nanaman tayo sa loob ng teatro kung saan sobrang raming tao. Tinanggal mo ang nakaharang sa pagitan natin upang makahiga sa kandungan ko at natulog kasi ang boring ng play. Tinitigan ko lang ang isang obra maestra na tulad mo. Bakit napunta ang isang tulad mo sa akin? Ah, hindi, hindi ka nga pala sa akin.
Natulog ang lahat sa biyahe habang ako'y naghahanap ng komportableng pwesto kung paano ako makakatulog. Pinatong ko nalang ang ulo ko sa aking binti ang pinilit na matulog ng mahimbing. Masaya ang araw na iyon hindi lang dahil nakawala tayo sa ating bilangguan kundi dahil kasama kitang tumakas at nagdiwang; hindi inisip ang sasabihin ng iba basta tayo ay masaya. Tila ba parang nagpasiklab ng iba’t ibat kulay ang mundo sa kaulapan. Malapit na akong mawala sa aking pagtulog nang maramdaman kong pumalupot ang kamay mo sa katawan ko at pinatong ang ulo sa likuran ko. Sa kabila ng katahimikan, ang puso ko'y nag-iingay nanaman. Sana ganito na lang tayo lagi. Ikaw at ako, kaso walang tayo.
Naaalala ko pa noong dumalo tayo sa kaarawan ng isa sa ating mga kaibigan. Para kang nasa ulap na mismong ako'y iyong nalimutan. Hinayaan kitang maging masaya dahil doon din naman ako masaya. Pero bakit hindi mo ako isama sa iyong kasiyahan? Bakit hinayaan mo akong titigan kang maging masaya? Bakit mo ako hinayaang umupo sa sulok; nagseselos sa inyong dalawa? Gusto kong umuwi, gusto kong takasan ang aking nararamdaman at sabihing wala lang ito. Nagseselos siguro ako, oo. Nagseselos ako sa mga maliliit na bagay na hindi naman karapat dapat. Sino nga ba ako? Nang magkasalubong ang ating mga mata, tinanong mo kung ako'y ayos lang. Nagusap tayo, binuksan ko ang telepono ko at binuksan ang memo— kung saan tayo madalas mag-usap sa publiko. Sa sobrang bigat ng aking nadarama, nasabi ko lahat ng aking nararamdaman tungkol sayo (hindi yung iniisip niyo). Kung gaano ako kasaya tuwing nandiyan ka, kung gaano ako kalungkot tuwing wala ka.
Tinanong mo rin ako kung aalis ako ng probinsya, pabiro kong sinabi ang oo. Pero nung ikaw ang tinanong ko, oo rin ang sagot mo pero parang walang halong biro ang oo mo. Kinabahan ako, nalungkot, natakot. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sumunod na taon, hindi mo ako kinibo. Unti unti kang dumidistansya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. May nagawa ba ako? Hinayaan kita baka bukas o kumakailan, pansinin mo ulit ako pero hindi, natapos ang taon ng hindi tayo nagkikibuan. Nakita kita sa huling araw ng pasukan, nakasalubong ko ang iyong mga mata na parang may gustong sabihin. Hinintay kita baka may nais kang iparating pero wala, hinayaan mo akong maglakad palayo hanggang sa hindi na tayo nagkita. Noong araw na iyon napagtanto ko na tapos na ang ating pagkakaibigan. Wala nang “ikaw” sa aking buhay. Napagtanto ko na malilimutan mo ang lahat ng mga bagay na pinagsamahan natin, malilimutan mo rin ako. Sa sumunod na taon, ayos naman, naghintay pa rin doon sa munting paraisong ika’y lumisan.