Hithit-buga sa bibig ng isang kabataan
Source: Rappler.com
Masarap kung uto’y hihitin at kaginhawaan naman ang mararamdaman kung ito’y bubugahin. Malimit itong pinagpapapasahan sa kung kani-kaninong labi lang naman at patuloy na pinagtitiisan kahit na paupos na lang. Bihag nito ang mga taong naaakit sa pamatay nitong aroma. Ang nakakalungkot, ito rin ang pumapatay sa kanila ̶̶̶ ̶ ̶ ang paninigarilyo.
Paninigarilyo, isang kasanayan kung saan sinusunog ang isang sangkap tulad ng tabako na nakapaloob sa balot ng sigarilyo sa pamamagitan ng paghithit-buga nito. Sa sobrang sarap nito, patuloy nilang nilalasap at nilalasahan ang usok na animo’y napakasustansiya sa katawan.
May iba tayong nakikita na naglalaway kapag nakikita lamang ng sigarilyo ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang ihinahanap-hanap nila na bisyo na iyon ang maaaring makasama sa kanilang kalusugan na maaari ring humantong sa kamatayan.
Ayon sa Department of Health (DOH) , naglalaman ang sigarilyo ng mahigit 4,000 na kemikal na pumipinsala sa kalusugan at kapaligiran na kung saan napatunayan na nagsasanghi ng kanser ang 69 na kemikal doon dahil naglalamat ito ng ‘cancer-causing agents’ tulad ng carcinogens.
Dagdag pa rito, naglalaman din ito ng nikotina na nagsasanhi n gating pagkahumaling dito na nagreresulta sa pagdidilaw ng ngipin at daliri.
Batay sa isinagawang pag-aaral, maliban sa maari tayong magkaroon ng iba’t ibang sakit tulad ng kanser sa baga, Chronic Obstructure Pulmonary Diseases (COPD), sakit sa puso, stroke, asthma, at diabetes, nakakapangit at nakakakulubot ng balat, nakakabaho ng hininga at nakakabaog din ang paninigarilyo.
Ayon sa Global Adult Tobacco survey, 17.3 milyon at mahigit pa ang mga Pilipinong naninigarilyo ngayon at isang tao kada 13 segundo o isang milyong katao taon taon ang namamatay dahil sa paninigarilyo.
Dagdag pa rito, inihayag ng DOH na sa Pilipinas, nagsisimulang nagisisigarilyo ang mga kabataan sa edad na pitong taong gulang at 80,000 hangang 100,000 ang mga kabataan edad 13 hangang 15 ang regular na naninigarilyo araw-araw sa kabila ng kamusmusan sa kanilang edad.
Kaya bilang aksyon sa tumataas na bahagdan ng mga naninigarilyong kabataan at katandaan, inamyendahan ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Republic Act No. 9211 o mas kilala sa Tabacco Regulation Act of 2003 upang maiwaksi ang epektong ibinibigay ng paninigarilyo sa atin.
Hindi masama ang bawal. Nagiging masama lamang ito kung patuloy itong gagawing bisyo at hindi ito titigilan magpasawalang hangan. Kaya’t habang maaga pa sa isang bagong panimula ang pagtigil ng paninigarilyo upang di tuluyang maupos ang inyong buhay sanhi ng pagkakasindi mo rin dito. Masaya ang masarap ngunit mas masaya ang buhay na di nakakadanas ng sakit at hirap.












