Nahuhulog na nga ba ako? O nacha-challenge lang? Hindi ko alam.
Hindi ko alam kung may feelings na ba akong nabubuo para sa kanya. Kasi aaminin kong hindi ko pa siya mahal. Wala pa ako sa puntong yun. Siguro, gusto ko siya. Oo. Aminado ako doon. Nasa stage pa kasi ako na naguguluhan ako eh, naguguluhan sa sarili kong nararamdaman. May iba kasi sa kanya eh. Kumbaga habang naglalakad ako sa Star City, bigla kong nakita yung Star Flyer. Natatakot akong subukan, kasi alam kong masakit sa puso, pero parang gusto ko, kasi gusto ko ng thrill at excitement. Bago lang kasi sa paningin ko yung ride, nakakatakot pero nakakachallenge. Para bang kapag na-try ko na yun, wala na akong kahit ano pang katatakutan. Ano na nga ba?

















