Hindi ko kaya ng distansya.
Minsan sa sobrang takot kong mawala ka, naiisip ko na baka MAS lalo kang mawala.
Minsan sa sobrang selfish ko, hinayaan mo akong piliin ang sarili ko't umalis ka.
Minsan sa sobrang higpit ko, kumawala ka.
Minsan sa puro ako nalang ng ako, pinili mo rin ang sarili mo at humiwalay ka.
I'm sorry, kung mas pinipili ko yung magkasama tayong dalawa. Sorry kung minsan nagiging sagabal na ako sa pangarap mong matagal mo nang pinakaasam. Sorry kung mahal kita at takot akong mawala ka. Sorry kung masyado akong naging makasarili para sa ating dalawa...
















