SELF TALK, REAL TALK
since medyo matagal ako nawala sa tumblr, I came up with this compilation of my personal insights about certain issues. this is my blog re-launch. haha!
"Kawawa ang senado kapag nawala si Miriam"
Sa tuwing manunuod ako ng mga media coverage tungkol sa mga isyung napapanahon sa ating bansa, makikita ang kislap ng aking mga mata kapag ang venue ng coverage ay sa SENADO.
Ano nga ba ang ginagawa sa senado? Dito nag oopisina ang dalawamput apat na senador ng bansa. At hindi lang nila ito basta opisina. Ito rin ang nakaugalian nilang venue para ipagsabong ang kanilang mga utak at pagrambolin ang kanilang mga ideya. Dito nila naisipang ilantad ang kanilang intelekwal na kakayahan, at minsan, ang madugong pakikipagtagisan, nauuwi sa away-bata at asaran. :)
Kung intelektwal na kakayahan lang rin naman ang pag uusapan, ang idol ko ang una dyan! Siya ay walang iba kundi ang senadorang "kumakain ng death threats para sa kanyang almusal," Senadora Miriam Defensor-Santiago! (crowd cheers)
Abogada, dating RTC judge, naging commissioner ng Bureau of Immigration at kalihim ng Agrarian Reform Department, senadora at ngayon ay bagong halal na miyembro ng International Criminal Court - yan si Miriam. Siya rin ay bihasa sa constitutional at international law. Sumulat na rin siya ng tatlumpung libro. Pambihira talaga itong si Miriam dahil nagkamit na din ang lola nyo ng Ramon Magsaysay Award. Yun ang Nobel Prize ng Asya! Kaya ko idol 'tong si Miriam e. Amazing!
Yun din ang dahilan kung bakit siya ang lagi kong inaabangan sa tuwing magkakaroon ng hearing sa senado o kahit saang event na dadaluhan niya. Sa sobrang intelektwal ng laban, nakokompronta nya agad ng harapan yung taong mahahanapan nya ng butas kung saan siya nagkamali. Tapos kung may umaaway sa kanya, yarog na kapag nahawakan na ni Miriam ang mikropono. Idagdag mo pa dyan ang kanyang puntong Ilongga (na para sa aking pandinig ay di pangkaraniwan) at ang kanyang paminsanang pamamaluktot ng dila sa wikang Filipino, KABOOM! Sa katunayan, nag-compile pa ang programang "Word of the Lourd" ni Lourd Deveyra ng greatest hits ni Miriam! (Search: WOTL - Miriam's Greatest Hits) na talagang nagpahagalpak sakin sa kakatawa. Haha! What a comic relief!
Pero sa totoo lang, wala talagang kulay ang Senado kung wala si Miriam. Hindi naman sa pangmamaliit sa kakayahan ng ating mga senador, pero sa palagay ko si Miriam lang ang may tapang at tibay ng loob para harapang isaayos ang isang maling opinion upang maging tama. Si Miriam lang ang may ganoong kaalaman sa batas ng bansa at ng iba pa nating kapit-bansa. Si Miriam lang ang may ganoong sense of humor na karespe-respeto kahit sa anong pagkakataon mo sya ipasok - gaano man kabigat ang sitwasyon.
Isipin nyo na lang, paano na ang impeachment trial, ang PDAF scam, at ang ating araw - araw na pagsubaybay kay Napoles kung walang Miriam Defensor-Santiago? Isang salita. BORING.










