Ang Ernie Angeles Listahan ng mga Dahilan Kung Bakit Hindi Kasali ang UP Diliman sa Metro Manila Earthquake Drill
1. Matagal na tayong marunong pumila. Enrollment, enlistment, assessment, payment, abridgement, comment. Meant to be talaga ang mga Isko at ang pila.
2. Hindi nagpapanic ang UP student. Kabisado na natin yung Drop, Cover, Hold. Ang UP student kapag natatakot ay nag nagdadrop ng klase. Nagcocover ng kumot at naghohold ng tuhod palapit sa dibdib.
3. Alam din natin yang Triangle of Life (or Death). Ang tawag natin duon ay Tri-College. CS, CAL, CSSP.
4. Kahit lumindol man, bumiyak ang lupa, o bumangon mula sa karagatan si Cthulhu, walang aalis sa loob ng enlistment room dahil kanina ka pa nag-iintay, baka wala nang slots, at ikaw na ang susunod.
5. Hindi apektado ng lindol ang mga taga-UP dahil hindi naman sila nakatapak sa lupa. Lahat sila ay lutang.
6. Ang UP Student hindi natatakot mabagsakan. Natatakot bumagsak. Pareho n'ya itong ikamamatay.
7. Hindi gumuguho ang building sa UP. Pangarap lang ang gumuguho sa UP.
8. Sanay na ang mga UP Student magklase habang may nagsisigawan sa labas.
9. Hindi na kailangan ng UP Student ng emergency food rations dahil sanay na itong hindi kumain habang hindi pa dumadating ang perang padala ng mga magulang galing abroad o probinsya.
10. Kapag na-trap ang UP Student sa ilalim ng gumuhong gusali ay sa wakas may oras na itong magbasa ng readings.
11. Gumuho man ang lahat ng gusali. Hindi pa rin cancelled ang classes.
12. Hindi kailangan ng UP students ng potable water dahil hindi naman ito gumagana sa kanila. Ang UP students ay waterproof.
13. Kapag evacuation laging nauuna sa labas ang UP students dahil hinding-hindi nagpapahuli ang mga taga-UP.
14. May sariling version ang mga Isko ng Drop, Cover and Hold. Ito ay Hubad, Dipa, Tingala.
15. Sanay na ang UP sa mga pagyanig ng lupa dahil sabay-sabay ang pagtalon ng mga Jumping Jologs kapag UP Fair.
(originally posted by Ernie Angeles)













