052512: Mga nakaw na sandali.~
Buong araw ko iniisip ang aking guy bestest friend na si Shin, kasi monthsary namin. Ehh hindi kami ganoon ka-okay kasi nga andaming nagbago, tsaka yung gf niya ayaw sakin. So yeah.
Iniisip ko kung ipopost ko ba mga pictures namin noon, kasi miss ko na yung mokong na yon ehh. Kaso naisip ko, mas mamimiss ko lang siya kung gagawin ko, kaya di nalang ako nagpost.
Nung gabi na mga bandang 9 pm, sabi ni kuya may tumatawag daw sa phone ko. Kinabahan nga ako kung sino ehh, tas nung nakita ko si Yum pala (Yum ang tawagan namin ni Shin). Sinagot ko, as usual ang salita niya na naman pang-budoy. Gayang-gaya niya boses ni budoy ehh, kakatuwa lang. Pero syempre ako naninibago kasi out of nowhere tumawag siya. Hanggang sa nagsimula na siyang mag 'iloveyou', 'imissyou' and everything, tas ako tahimik lang nakikinig. Tas nagdrama na siya, *insert the not so drama here* Ako wala masabe, kasi pinipigilan ko maging sweet sakaniya kasi baka umabot na naman sa gf niya nakoo patay na naman ako. Kaya ayon. Tas sa not so drama niya, nabitawan niyang "25 pa naman ngayon, monthsary pa natin. hindi mo na talaga ako love" tas ako, wala talaga ako masabi. Ayaw ko kasi magbitaw ng salita na pwede ko siyang masaktan. Pero nagsosorry siya kasi nga ganoon gf niya, hindi nadin daw niya alam ano sasabihin kasi nasasaktan nadaw ako, so wala siyang choice kundi lumayo para daw di na ako mainvolve at di na ako masaktan.
Ewan ko. Natuwa ako kasi naririnig ko uli boses niya. Pero wala akong pwedeng sabihin para maging okay pakiramdam niya. Mahabang diskusyon kasi yung unang topic. Sa sobrang haba di niyo gugustuhin basahin kasi ang drama talaga tas parang ewan lang mga sinasabi ko. Tas andon din yung mga cheesy-lines na iisipin niyong kami ng mokong na 'yan.
At dahil nga mga nakaw na sandali ang title, nakaw na sandali naman talaga ang nangyari buong magdamag. Hindi alam ni Veia(GF), lahat ng bagay na gagawin namin ni yum, walang alam si veia, nagsisinungaling si shin para sa akin, at nagawa ng paraan para makabawi, na sa part ko, nakakatuwan kasi akala ko talaga nawalan na ako ng isang kaybigan.
Habang patagal na patagal yung paguusap nabalik naman ako sa dating pagtatrato ko sakaniya. Yung pangaasar. Eto yung pinakaClimax ehh, ngayon lang siya naasar sakin. Ngayon lang siya napikon. Natatawa ako. Di ko alam kung sobra ba talaga ako o nagiinarte lang yang mokong na 'yan. Basta tawa ako ng tawa nung naaasar siya. Feeling ko talaga heaven. Pero syempre joke lang, kailangan suyuin ang lalaking 'yan. Baby kasi yan ehh. Baby damulag. Chot* Gwapo naman daw siya, sabi niya. =))))))))))
Ayon, nung wala ng mapag-usapan, hinaharana na niya ako. Oh, wag ka! Old school yan manligaw. Dejokelang. Lagi naman niya ako kinakantahan ehh, lalo na kapag natawag yan. Asahan mong maririnig mo ang boses niyang sintunado. Pero hindi, gwapo boses niyan wag lang talaga yung nagpapakatrying-hard siya. Tas habang nakikinig ako, sinasabayan ko naman, duet ang peg namin. Aba ganda kaya ng boses ko, mala-Anne Curtis. =)) Tas nung wala na siyang makanta, sabi niya ako naman daw kumanta. Jusme. Hindi ko hilig ang kantahan ang lalaki, pero dahil mahal ko yan, kinantahan ko yan. One thing kinanta ko. Kanta ng One Direction, fan ako ehh. Sinasabayan niya ako sa medyo chorus. Tas LSS na siya. :D At dahil wala na kaming makanta, at wala ng mapagusapan, pinatulog na ako ng mahal kong bestestfriend.
"Tulog na, ayaw kong mapuyat ka pa. Goodnight mai mai! ILoveyou! :*"