SHET MAPAPAIMYERNO AKO SA KALOKOHAN KO. Request lang po. Rusca x Reader x Goyong ^^ :D
Pamasko ni Selya Pt. 3
Or, “Mga isinulat ni Beata sa kumbento”
O bakit. Akala niyo bibigay ako sa mapagtuksong prompt na ito. Kayo ha. Medyo lang naman. Good girl na ko. Medyo lang din. At nasa impyerno na tayo wala nang mas ikababagsak pa. MABUHAY ANG GRESCA.
Kung magulo ang klima, mas magulo sila. At sa totoo lang silang dalawa na kay sarap pag-umpugin ang dahilan ng migraine mo. Hindi ang thesis na nakakalahati mo pa lang at due na sa susunod na buwan. Imbes na revisions ang inaatupag mo, ang pagbabati nila. Nasanay kang nagbabati rin sila agad matapos mag-away dahil palagi namang ganun ang tipo nila ng “pag-ibig”. Hula mo may mga make-up sex pa nga bawat mangyari ‘yon. Pero ngayon tatlong araw na silang hindi nag-uusap. Kahit pa nasa piling ng isa’t-isa. Tulad ngayon.
“Tangina.” padabog mong binaba ang kutsara mo sa lamesa at mataray silang tiningnan. Nasa harap mo sila nakaupo. Two feet ang pagitan. Ni isa hindi ginalaw ang pagkain. Para ka tuloy nanay na tinreat ang dalawa mong anak sa McDo pero dahil magkaaway sila, walang kibuan. As if hindi pa sila umaarteng parang mga bata, nakayuko sila at nagbibingi-bingihan. Kung hindi lang magiging cause ng eksena sa fastfood chain na iyon, sabay mo nang hinampas ang suot-suot nilang cap at sinabuyan ng sprite. Pa-cool pero ikaw ang hindi cool sa mga mokong.
“Tangina akala ko ba okay na kayo ha? Ha?” panenermon mo pa. Sumubo ka ng kanin, tiniridor ang ulam, at saka padabog ulit na nilapag ang mga utensils sa'yong plato. Napalundag nang kaunti ang dalawa. Sa pagkakataong yun buong lakas mo nang sinusumpa ang tadhana dahil ikaw pa ang pinili nitong maging kaibigan ng dalawang bayoguin na ito. Hindi ka naman nainform na ikaw pa pala ang mediator kapag hindi sila nagkakamabutian. Ikaw na nga ang naging tulay para magkatuluyan ‘tong dalawa three months ago, ikaw pa ang sumasakit ang ulo para huwag silang tuluyang maghiwalay. Anak ng tipaklong nga naman oo.
“Hindi ba ‘to maayos ng simpleng make-up sex o BJ man lang?” tinaasan mo ng kilay pareho. Isa sa kanan, isa sa kaliwa. Wala pa ring imik. “Ed? Greg? Dios mio Amen naman! Pakiusap lang na may kanya-kanyang thesis pa tayong dapat tapusin buti sana kung kasama sa GWA ang pag-aayos ko sa sitwasyon niyo-”
“Kung hindi mo na kayang ayusin, edi 'wag na.” si Ed na ang nakapagsalita. Nagkamot pa ng batok. Yung pride nito, sa isip-isip mo, dinaig pa ang mismong Eduardo Buenavista. Akala naman niya kasing gwapo niya ang nasa Primetime Bida. Nagulantang ka sa sagot niya na tila ba bagong lenggwahe ang narinig mong lumabas sa kanyang bibig.
“What?”
“Wala namang pumipilit sa'yo. Sarili mo lang.” sa wakas at si Greg naman. Napabuntong-hininga pa ang overlord ng mga GGSS of Manila. Napanganga ka na lang. Anong alien language ang pinagsasasabi ng mga ito? Ang sarap tagain ng lightsaber mga kasu-kasuan.
“What?!” halos mapasigaw ka na lang. Tinungga mo ang baso ng sprite at kinuha ang plato ni Ed para kainin ang hindi ginalaw na chicken at rice. Gigil na gigil mong hiniwa-hiwa ang manok sabay turo sa kanila ng tinidor. “O-T-P. Kayo ang OTP ko! Malamang hopelessly devoted akong maisakatuparan ang masayang ending ninyo! Nakakainsulto namang isawalang-bahala ninyo yung efforts kong magkasama kayo in the first place tapos three months later wala na lang! Respeto naman pwede?! Hashtag Love Wins na nga eh!”
Pinaliguan mo ng gravy ang pagkain at pinuno lang nang pinuno ang bunganga mo nito alang-alang sa stress-eating na kung saan dalubhasa ka. Tinitigan ka lang ng dalawa, naghahanap ng maisasagot as if nasa pagmumukha mong sagana sa eyebags ang kasagutan. Lalo kang nastress. Konti na lang talaga. Konti na lang at susuko ka na. Susuko at makikisapi sa kampon ng mga pinaasa ng forever. Diyos lang, oras, at universe lang ang may forever. Labas ang tao at ang pag-ibig sa sakop nito. Lalo na ang mga mapride mong kaibigan.
“Bakit ba kasi ha? Ano na naman ba nangyari?” naiinis mo silang tinanong at namahinga sa pagsubo. Nilunok mo ang nginuyang manok at hinintay na may magsalita. Sa kabutihang palad, iyon na ang takdang panahon ng pagpapaliwanag nila. Nagsisimula ka na ngang mag-doubt kung keri pa ng powers mong maayos kung anuman ito.
“Etong si Greg kasi namimiss ang mga babae.”
“Eh gago ka pala talaga Gagorio del Pilar y Sempio.”
“Nahuli ko sa condo-”
“Out of all the places talaga, Greg eh noh.”
Napa-facepalm na lang ang dakilang gago at bumuntong-hininga for the nth time. Tiningnan ka niya muna nang diretso sa mata saka sinimulang depensahan ang side niya. Siyempre, as always, Mr. Del Pilar knew all the right words to say. Ano naman kayang pakulo ang dudulas sa dila nito at bobolahin ka para maawa ka naman sa kanya.
“Believe me. Yung babae yung salarin.”
“Aber hinayaan mo naman!”
“Lasing ako!”
“Kaya nga hinayaan mo nga!”
“Kumatok siya sa condo then the next thing I knew, hinahalikan na niya ko!”
“Nagiging more outrageous na ang mga excuse mo, Greg ah. Make up your mind pwede ba.”
“Oh come on!”
“Come on, come on ka diyan! Kung namimiss mo lang pala ang halik-babae, on-call naman ako hindi pa magagalit 'tong si Ed! Hindi ba, Ed?”
Pero walang narinig si Ed. Inirapan lang niya nang patagilid ang katabi. Bumalik ka sa pagkain at hinayaan lang na maghari ang katahamikan sa otherwise maingay na fastfood chain. Bahala na sila. The moment na matapos mo pati pagkain ni Greg, aariba ka na paalis at ipauubaya na lang sa tarantadong tadhana ang lahat. Oo nga naman. Hindi mo love life tapos pakikialaman mo. Oras na para ikaw naman ang magkaroon. Tama na ang pagiging selfless mo sa dalawang iyon. Tama na ang magpakailanman na minsan.
GreSca. Pakingshet na ship yan. Maski lumulubog, submarine naman. Madalang lang ang mga araw na bilang kapitan, matiwasay mong nailalayag ang barko sa karagatan. Pero kapag wala ka nang magawa, kasama ka sa paglubog nito.
Tapos ka na sa pagkain ni Ed. Inabot mo naman ang kay Greg at sinimulang lumamon. Tahimik pa rin. Nawasak na lang sa ikaapat mong subo nang marinig mo ang mga napakapamilyar na salitang lumabas sa kanilang mga bibig. Maalat ang manok na binudburan ng gravy. Pero walang kasing tamis ang mga sumunod na salitang dinalaw muli ang iyong mga tainga.
“Babe… sorry na.”
“Nyeta naman, Greg.”
“Sorry na, Ed.”
“Punyeta siyempre patatawarin kita.”













