Remember the first "Dear Ronald" I've ever sent you? Well, it's been awhile since I wrote that. That was the time that we were so in love, yung halos di tayo mapaghiwalay. Kung ano anong ka-corny-han ang ginagawa at sinasabi natin nun sa isa't isa! Minsan nga pag nababasa ko yung mga older posts ko tungkol sayo, kinikilig pa rin ako. Kung paanong unti unting nahulog ang puso ko kay Mata, kung paano tumibok yung puso ko sa tuwing tinitignan niya ako gamit ang malalaki nyang mata, at kung paano niya ako pinakitaan ng mabuti.
Sa una, hindi ko matanggap sa sarili ko na, IN LOVE NA AKO SAYO. Hindi ko matanggap na dumating na yung karma ko. Hindi ko maamin na, "MAHAL KO NA NGA YATA TO." Takot akong mahalin ka. Natatakot ako na pag minahal kita, baka masaktan ka lang, baka masira ko lang yung magandang pagkakaibigan natin. You were the first person I have ever confessed to. Pilit akong lumayo, pinagtabuyan ka at itinulak. Pero ano? Sa unti-unting paglayo, mas lalo ko lang napatunayan na mahal na mahal kita, na hindi kita kayang mawala sa buhay ko, at hindi ko magagawang balewalain ang nararamdaman ko para sayo.
Hindi ka napagod na manligaw. Kitang-kita ko yung effort mo. Minsan ng sumagi sa isip ko na, "Mapapagod kaya 'to sa ginagawa nya? Mapapagod kaya siyang mahalin ako?" I made you wait for 10 months para masigurado ko na IKAW NA TALAGA. Hindi ka nagkulang sa pag-aalaga, hindi ka nagsawang saluhin ang galit ko, hindi ka nagsawang intindihin ako, hindi mo ininda yung mga sakit na binigay ko. Instead, you replaced it with love and affection, something I have never felt before.
After all the trials, naging TAYO din sa wakas. Sobrang saya natin. I was so happy that I met the guy who accepted me for who I really am. Sobrang saya ko nung nagcelebrate tayo ng first monthsary natin. Yun ang first date ko sa buong buhay ko. Yun yung time na ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nating dalawa. Nasabi ko sa sarili ko noon, habang nakikinig ako sa mga kwento mo tungkol sa banda nyo, na IKAW NA NGA. Hindi ako nagkamali sa pagsagot sa taong 'to. Ako na yata ang pinakamasayang babae nung mga oras na yun. Sinalo natin ang malakas na hangin sa sacred place natin, yung lugar na ipinakita mo sa akin kung saan ka naglalabas ng sama ng loob. Lumipas ang mga buwan, naging okay naman tayo. Hindi naman talaga maiiwasan ang mga pag-aaway diba? It makes the relationship stronger. Hindi dapat hinahayaang makasira ang mga away. Lahat na yata, napag-awayan na natin! Away bati, aso't pusa. Pero kahit kailan, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sayo. Siguro ganun talaga pag nagmamahal ano? Mangyari na ang mangyari, but your love will still survive.
I don't know how it went wrong when everything felt so right. Everything was a blur. Mas dumalas at dumami ang away. Bumaliktad ang sitwasyon. Ako na yung naghahabol at kumakapit mag-isa. Ronald, anong nangyari? Ganun ba kagrabe ang mga nagawa ko? Sana, mahanap mo ang pagpapatawad sa puso mo, gaya ng pagpapatawad ko sa mga nagawa mo sa 'kin.
I'm letting you go. Not because I don't love you anymore, but because I love you so much. Nakakasakal na ako diba? Napansin ko na rin naman. Don't worry. If we're really meant to be, we'll find our way back to each other.
I love you so much, and nothing in this world can ever change that. :')