Hindi ko lang gustong makalimot. Gusto ko ring makapagpatawad. Gusto kong patawarin ka sa mga sakit na dinulot mo, sa mga masasakit na salitang sinabi mo, at sa hindi mo pananatili kahit na ipinangako mo noon na hindi mo ako iiwan. Gusto ko ring patawarin ang sarili ko mula sa lahat ng pagpapakatanga, pagkukulang sa iyo, sa panlalait, sa hindi pagsasabi ng totoo, at sa paglimot na ibigin ang sarili ko. Darating ang araw na magagawa ko ito. Hindi man ngayon, pero naniniwala ako na magagawa ko ito. Panahon na lang ang makakapagsabi.








