Yung inis na inis ka sa pambabalewala niya sa'yo pero isang like niya lang sa profile picture mo, naka-smile ka na naman sa kanya. Punyeta!
seen from China
seen from United States
seen from Russia

seen from Algeria
seen from United States

seen from Mexico
seen from Maldives
seen from United States
seen from Pakistan
seen from Bangladesh
seen from United States
seen from United States
seen from South Korea

seen from Malaysia

seen from Spain

seen from France
seen from United Kingdom
seen from Slovakia

seen from France
seen from United States
Yung inis na inis ka sa pambabalewala niya sa'yo pero isang like niya lang sa profile picture mo, naka-smile ka na naman sa kanya. Punyeta!
On friendship, love and in between.
BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Sa madaling salita. Bawal mag-assume. Ikaw lang din ang masasaktan sa huli. 😊 ------------------------------------------------- Yung mga moments na masaya ako na alam kong friends kami, close kami or comfortable kami sa isa't isa more than what people know and see. Yung isa siya sa mga tao na pwede kong makwentuhan ng mga simpleng bagay, out-of-nowhere things, mga gusto ko, or ayaw ko. Mga bagay na hindi masyado personal. Kumbaga, walang attachments. Kala ng mga tao, kilig-kilig lang kami, awkward moments lang. Pero kapag kami lang, alam namin yung totoo, friends kami, more than what people know and see (paulit-ulit? Hahaha). May instances na hahawak siya sa shoulders ko kapag may share kaming tinitignan, or unconsciously hahawakan ko yung braso niya kapag may sinasabi ako sa kanya. Or kapag kinakausap ko siya na kahit busy siya, hihinto siya sa ginagawa niya, nakatingin ako sa kanya, nakatingin siya sa akin, walang awkwardness. For him, siguro, wala lang un. Pero yung mga simple gestures na yun talaga yung nagdala. Nakakatuwa isipin kasi at least, hindi niya ako iniiwasan, or hindi sa ayaw niya ako makausap, hindi yung parang wala lang ako sa kanya. Pero mahal ko na kasi talaga siguro siya. Kasi kahit anong gawin ko, na parang chill lang, na parang wala lang lahat. Another passing fancy, pakilig lang. Kahit na isipin ko na hindi siya good enough. Kahit sabihin ng mga kaibigan ko na, “Mas gwapo naman si Alden Richards sa kanya.” Or kahit pa na sabihin ng iba na, “Ayy, wag siya. There are many fishes in the sea.” Wala eh. Di ako mahilig talaga sa isda. Tsaka sa kanya, may feelings eh. May kilig, may saya. Kahit paulit-ulit ko itanggi, na parang wala lang, na imposible, na dapat hanggang friends lang talaga. Alam mo yun. Merong warmth sa heart kapag naiisip ko siya, or kapag nakikita, or kapag kausap. Pwede pala yun noh? Magkaron ka ng feelings sa isang tao na walang dahilan, na walang simula. Na parang bigla lang. Nagulat ka na lang isang araw na may feelings ka na toward him, hindi ka man lang na-orient tapos sinabak ka na sa gyera. Sariling puso mo pa yung kalaban mo. Hahaha. Kinukumbinsi ko yung sarili ko na nadala lang ako sa kilig. Or kasi baka dahil gusto ko na magka-boyfriend kaya go na. Go na sa lahat. Kahapon, gusto ko siya. Ngayon, hindi na. Nung mga sumunod na araw, wala na. Gustung-gusto ko na siya at dahil pabebe ako, wala ng makapipigil pa sa akin. Tapos minsan naisip ko, malayo sa abs ni Ryan Gosling, or Channing Tatum. Walang ka-PJ-PJ Simon sa mukha, or kahit man lang yung height ni James Yap. Wala siyang pang-standing ovation na talent. Wala siyang ibang kayang gawin kundi pabilisin yung tibok ng puso ko or padamihin yung pawis sa noo ko, pisngi, ilong... singit. Naiisip ko na wala namang special about sa kanya pero "ah okay lang. Kasi the thought of him is enough. More than enough". Parang #ikawlangsapatna. 😀 One-sided. Alam ko. #mashaketbeshperokinakaya. You know, the pain keeps us alive. Sabi nila, 2016 na, mag-move on na para maging masaya ako. Sabi ko teka lang, wala pang nasisimulan, may pag-momove on ng nagaganap? Hahaha. Hindi naman natin kelangan mag-move on para lang masabi na masaya tayo. Kasi yung moving on, matagal yun. So it means, matagal tayo magiging masaya? Unfair, yow! Pwede namang mahal pa rin natin sila ngayon, or bukas, or next week, next month. Mahal in a way na hindi natin kelangan magkaroon ng moments with them, or kelangan na kausap natin sila lagi. Mahal natin sila in a way na hindi requirement na mahal din nila tayo (pero shetmemeng, masakit yun. Hahaha) Yung tipong mahal natin sila, period. At masaya tayo kahit masakit. Or more like, masakit pero ayos lang kasi mahal natin sila, at masaya tayo. PS. Sa mga nagsasabing di pwede magmove on ang mga NBSB, parang sinabi nyo na ring di pwede mag-bra ang mga walang boobs at di pwede mag-brief ang mga walang oopps! 😉
I want to write what’s inside my head, what’s inside my heart, or even what happened in my day, but before I finished everything off, I find myself backspacing every words, every feels, every time. At the end, I realized it’s not really what I felt that moment, that everything was a lie, that I tend to suppress the truth and deny what’s certain; and the things happened in a day is not a story worth to tell since it’s just a replay from yesterday and from the other day.
Truth is, my thoughts keep wandering back to you and never cease speaking about you. It warms my heart but to the point of burning it. It brings sweetness to my tongue to the point of stinging it. Bittersweet. Because you’re not someone I have a right to or someone I could have a chance to be happy with. But you’re someone I want to write about without finding myself backspacing every words at the end. Even though I know that words are lacking to describe how much I feel for you, I would write about you, to my heart’s content. At the very least, a blog entry worth to post.