Nagsimba ako kanina. Mag-isa. Madalas ko namang gawin yun lalo na kapag after duty. Nakinig naman ako kay Father, actually maganda yung sermon niya. Dilat na dilat ako during homily. Nung halos matapos na yung simba, kung saan puro announcements na lang, napansin ko na napapalibutan ata ako ng magkakasintahan. Hahahaha. Out of nowhere napatingin ako kay Jesus on the cross sabay tanong, âSaan na po yung akin?â Hindi nakasagot si Lord. Teary-eyed siya ng very slight. Hehehe. Ang pathetic sa feeling pero sobrang nakakatawa.
Narealize ko lang, yung iba nahanap na nila yung para sa kanila. Yung iba, tingin nila yun na. May mga tao namang nag-aantay pa. Samantalang yung iba, sumuko na. Hindi ko alam kung saan ako sa dalawa. I mean, madalas sa hindi kapag may namimeet akong guy, tinatanong ko na, âLord, ito na ba yun?â Baka ito na. Pero mare-realize ko eventually na, âAyy. Hindi pala.â, âAyy, nagkamali na naman ako.â âAyy, nyeta. Gusto lang pala ako kilayan ng on-fleekâ. Masyado akong deluded sa thinking na mahahanap ko siya sa isa sa mga taong makikilala ko. Masyado akong in love sa idea of falling in love. Masyado akong umasa and in the end, masyado akong nasaktan. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na, âOkay lang. Baka kaya hindi pa binibigay ni Lord kasi hindi ka pa stable.â or âGod is saving the best for last.â Pero yung totoo, the back of my mind is saying, âBaka wala naman talagang para sa'yo.â Pero pinipilit ko pa rin. Baka naman meron. Sa milyon-milyong lalake sa mundo, imposibleng walang para sa akin? Pero sabi ng mga beki, âteh, posible. Kasi minsan, yung mga lalake, eh hanap rin ay lalake.â Anyway, lovewins. Pero mabait naman ako tsaka mabait ulit. Jusko! Personality na ang labanan teh. Hindi na uso ang ganda. It will fade over time. *Linyahan ng mga chaka* And chubby is the new sexy. *Motto ng mga nabuntis ng pagkain.* Hindi kasi ako maganda, or sexy na tulad ng iba na natulog lang, kumain lang ng apple at naiwala lang yung glass slipper eh nahanap na yung Prince Charming nila. Ako kasi yung babae na nagpuyat sa kdrama, kinain na lahat ng prutas ng fruitsalad kasali pa yung 13Kinds tuwing New Year at naiwala na lahat ng sapatos, tsinelas, sandal at foot socks eh wala pa rin. Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung âPangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?â Kaso sinarili ko na lang kasi baka ma-#realtalk ako ni Liza Soberano. Hahaha.