Puro Siguro
Sobrang namimis ko siya. ;’( Gusto ko sabihin lahat, ulit-ulitin lahat pero alam ko wala na talaga e. Gustong gusto ko siya makita, makausap pero di pwede e, mas lalala lang yung galit na nabuo niya sa lahat ng kagagawan ko. Di niya ko naalala. Pinipilit na niya ata akong kalimutan. Gusto kong alamin kung anong ginagawa niya, pero malalaman niya e, magagalit na naman siya. Siguro nga kailangan na antayin ko na lang siyang hanapin ako. Siguro nga antayin ko na lang kung darating pa yung pagkakataon para sakin. Siguro nga huwag ko ng ipilit na piliin niya ko. Hahayaan ko siyang gawin lahat ng gusto niya. Hayaan ko siyang panindigan lahat ng desisyon niya. Hayaan na marealize niya kung sino ba talaga samin ang mahal niya. At sana, kung ako man ung piliin niya, sana buo pa ko non, sana andito pa ko non. Sana kung ano man ung desisyon na yon, masakit man sakin or ikakatuwa ko, sana masaya siya. Sana kung nasan man siya ngayon masaya siya. Wala kong hiniling kundi kaligayahan niya. Wala akong laban e. Wala akong kalaban laban.
03-06-2017











