Paasa
Pinuntahan mo ako dito, sinorpresa mo ko. Niyakap, hinalikan. Umiiyak ka habang sinasabi mong "mahal na mahal kita, di ko kayang mawala ka sakin, ikaw ang buhay ko". Naiyak ako at hindi makapaniwala sa nangyayari. Sobrang saya ko. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal mo. "Panaginip ba to?", eto na lang ang nasabi ko. Tapos nagising ako, may luha sa mga mata ko. "P*tangina, panaginip nga ito. "
07-06-2017















