April 2014
Hi, Tumblr. Andito na naman ako. Siguro inis kana sakin? Kasi dinadalaw lang kita pag may problema ako. Hahaha. I just want to let this feeling out of me. The hell. I know, my friends are too tired sa mga drama ko, dahil nga paulit-ulit. Sino bang hindi magsasawa? Ako lang naman ang hindi. =)))) Kasi feeling ko may pag-asa pa. Kahit na, ANG LINAW na ng sinabe nya. Haha. Pero ba't ganon? Some part of me umaasa padin at pumipigil na bitawan ko na, parang sabe nya "Sige lang Shiela Mae!!!" (Parang yung fighting spirit ni Sakuragi at Luffy) Pero kasi, Kahit ako mismo sa sarili ko napapagod na ko. Paulit-ulit ko nalang na sinasabe sa sarili kong titigilan ko na, Kaso di ko magawa! Bakit? Masakit na sobra, Minsan nga literal ko ng nararamdaman na sumasakit na yung puso ko. (Parang hinahati na sya) HEART BROKEN talaga ang peg. Pero iniiwasan ko ng isipin na masakit kasi Masakit talaga pag inisip ko pa. :) Natanggap ko naman na hanggang don lang kami, Yea at first nawala yung feelings ko pero akala ko lang pala yon, natutulog lang pala sya at sa tamang panahon lalabas na naman. HAHAAH "THE REVENGE" XD Hayyy. Tama na Shiela Mae, ang tanga tanga mo na. Itigil mo na please? </3














