Im sorry
I made a mistake, im sorry. Lagi kang nandyan sa para sa akin. Lagi mo akong tinutulungan sa mga problema ko. Lagi mo akong inaaliw. Lagi mo akong pinapatawa lalo na sa mga panahon na hindi ko na gustong ngumiti. Kahit ilang beses kitang ipinagtabuyan nandyan ka parin. Lagi mo parin akong inaalalayan. Alam kong minsan, sobra na ako. Minsan hindi ko na iniisip yung mga masasaktan ko. Hindi ko na iniisip yung mga tao sa paligid ko. Lalo kana. Sorry ha? Sorry kasi sobrang pasaway ko. Sorry kasi ang tanga tanga ko. Mas pinili kong i express ang nararamdaman ko sayo sa ganoong paraan. Pinili kong saktan ka kesa alagaan. Pinili kong iwan ka sa kanila ng mga naitulong mo sakin. Pinili kong maging manhid kesa sa mahalin ka. Natatakot kasi ako. Na baka balang araw iwan mo ako kaya ako nalang ang lumayo. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung umiyak ka dahil sa akin. Sorry kung nangako ako noon na hindi kita iiwan pero heto ako ngayon. Sorry kung nangako ako na kapag may problema ka nandito lang ako. Sorry kung nangako ako na aawayin ko kung sino man ang mag papaiyak sayo. Sorry kung ngayon ako ang nagpapaiyak sayo. Sorry kung umalis nalang ako bigla. Sorry kung naging makasarili ako. Sorry sa pagiging tanga. Sorry. Sorry, hindi ko kinaya.









