From Roundtable: What is Temperament? Four approaches
Kaya importante yung role na ginagampanan ng early childhood education sa pagshape ng next generation. Kasi crucial kung paano mai-introduce sa mga bata yung iba ibang social contexts while recognizing their invidualities. Ang daming external factors from the environment na pwedeng magalter ng expression ng temperaments ng bata which often receive misinterpretations from adults. Minsan sobrang frustrating na ineexpect ng mga matatanda na magets agad ng bata yung iba’t ibang bagay, ni ha ni ho, walang pagconsider sa learning curve nung bata o kaya pagtingin muna sa learning environment na meron siya. Mahalaga din na maintindhan natin na unang nafo form yung emotional domain kesa sa cognitive. Kaya kung damaged na agad yung bata emotionally, you can expect na at some point madadamay yung cognitive functions niya.
Lalo na ngayon sa panahon ng pandemic na mas affected yung resources available for education. Idagdag mo pa yung budget cuts. Nariyan din yung problem sa mga teachers at setups na malimit sa traditional schools makikita. Kaya saludo sa mga gurong patuloy nagsusumikap na magturo sa mga bata lalo na yung mga progresibong mag-isip. Saludo din sa mga magulang na progresibo at nag-aaral pa kung mas paano maiimprove yung approach nila sa pagtuturo sa mga anak nila.
[Sa ganitong aspeto talaga, mas dapat maemphasize talaga yung grassroot approach para maging effective yung mga programa ng mga ahensya. Tapos dapat research-based. Makikita naman natin ‘yan sa maraming programa bara-bara na ipinapatupad ng gobyerno. Walang nagaganap na proper consultation. Walang assessment. Walang pangarap for sustainable development.]
Kaya kung may maliliit kayong kapatid, get to know them better. Don’t pressure them into studying. Don’t force them to like things. Tamang guidance and pace lang. Give them time to play. At the same time, be firm din sa pagestablish ng rules. Sana hindi yung merits nila yung basehan kung paano niyo sila ita trato. May mga batang makulit, and ‘masakit sa ulo’ [labelling is a whole new topic din na dapat pinaguusapan how harmful it is] pero dapat itanong muna natin ano yung naging pag bring up din sa bata sa bahay kasi more or less, malaking part ay manifestation ng environment niya especially sa bahay.
















