Why should you stay away from Rendell Tiongson?
Bakit kailangang umiwas sa mga taong kagaya ni Rendell Tiongson at iba pang financial planners?
Kasi, mas gusto nilang kumita sila at maghirap ang taong bayan.
Bilang Financial Planner ang mga taong ito ay kumikita sa pamamagitan ng commision sa mga Investment Instrument na walang garantiya na binibenta nila. Wala itong insurance gaya ng mga dpeosito sa bangko. Pag nalugi ang Investment Instrument, sorry na lang at wala kayong makukuha ni singkong duleng.
Kumikita rin sila sa pamamagitan ng pag imbita sa mga tao sa mga seminar nila na ang lahat ng impormasyon na sinasabi nila ay madali mong makikita sa internet.
Ang mga topic sa libro nila at ng ibang pang financial book ay iisa lang ang laman at libre mo ring makikita sa internet.
Dati akong Financial Planner sa isang insurance firm, isa rin akong stock broker sa United States. Makikita mo ang pangalan ko sa website ng FINRA na registered ako ay may lisensya ako.
Tumalikod ako sa industriyang iyan dahil sobra akong naawa sa mga tao na pinagkakakitaan ko. Nakakaawa na kumikita ako sa pamagitan ng pagbebenta ng isang Investment Instrument na walang garantiya pag nalugi.
Nakakatawa lang na sobra silang mag maliit sa Networking at lagi itong kinukumpara sa salitang scam at investment.
Ang Networking ay hindi INVESTMENT. Ito ay isang instrumento ng isang kumpanya para mapalago nila ang kinikita nila at makatulong sa mga customer nila.
Instead na mag invest sila sa mga commercial o ads ay gumagawa na lang sila ng isang marketing scheme na kung saan, lahat ng bibili ng produkto nila ay magkakaroon ng kakayahan na kumita.
Paano naging scam ang gawiing ito na kung saan ang mga tao ay nakakinabang sa produkto at nagkaroon ng kakayahan na kumita?
Masama bang bigyan ng kakayahan kumita ang mga taong tumatangkilik sa isang produkto o isang kumpanya?
Sa Mutual Fund, kikita ka kung tumaas ang value ng fund mo at binenta mo ito. Sa stock market kikita ka sa dividend na makukuha mo galing sa kumpanya na pinasukan mo at sa pagbebenta ng stock pag tumaas ang value nito. Lahat ng ito ay walang garantiya na kikita ka at wala ring halong insurance coverage. Bilang investor hindi mo hawak ang pagtaas o pagbaba ng value ng mga ito. Kailangan mong bantayan ito araw araw at maging mapanuri kung dapat mo na bang ibenta ang shares o units mo.
Sa networking, kikita ka kung tutulong kang makakuha ng customer sa kumpanyang kinabibilangan mo. Walang garantiya na kikita ka dito. Ikaw ang may hawak kung paano ka kikita. Ang garantiya mo lang na makukuha mo sa networking ay ang produktong binili mo. Sa Mutual Fund at Stocks, wala.
Ipapaala ko lang pala sayo Rendel Tiongson, sa linya ng trabaho mo pala nag mula ang mga taong kagaya nila Bernie Madoff, Ivan Boesky, Charles Keating at marami pang iba.
Bago ka mag sulat ng isang article sa blog mo, tiyakin mo muna na tama ang facts mo. Nakakahiya naman na after mong gumawa ng bad write up about Success200 eh biglang may segway ka agad sa produktong binibenta mo.
Masyado ka na bang nahihirapang humanap ng mag iinvest ng Php 5000 sa mutual fund mo o nahihirapan ka na bang mag benta ng libro mo o wala na bang na attend sa mga seminar mo? O baka naman nakiride ka lang sa popularidad ng Success200 para mas ma promote mo pa yung palabas mong libro at mga seminar.
Bilang isang propesyonal na kagaya mo, sana wag mo masyadong ipractise ang Crab Mentality para umangat ka. :)
Series 7 General Securities Representative and Series 63 Uniform Securities Agent State Law Financial Industry Regulatory Authority CRD# 5631628
Life Insurance and Variable Investment License Republic of the Philippines Insurance Commission License # 220219