06172020
     Nais kong isulong pa ang Karapatan ng kababaihan sa lipunang Pilipino. Halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay binubuo ng kababaihan. Ang karapatan ng mga babae ay maihahalintulad sa mga karaniwang karapatan ng mga mamamayag Pilipino. Sumasailalim dito ang mga karapatang pagboto, karapatanng maging mamamayan pa rin ng Pilipinas kahit nakapag-asawa ng dayuhan, karapatang makapagtrabaho, makapag-aral, magplano ng pamilya, at pangalagaan ang mga anak. Ito ang mga karapatan na nararapat sa mga kababaihan na walang sino man ang makakabahid ng ano mang diskriminasyon.
      Ang aking ikinababahala sa mga sitwasyon ngayon sa Pilipinas ay ang pagtaas ng mga kaso ng panggagahasa sa mga kababaihan. Kada araw mayroong naitatalang 23 kababaihan o kabataan ang mga nabibiktima ng panggagahasa, kapantay nito ang halos isang kaso kada oras ayon sa Philippine Commission on Women (PCW). Sa datos naman ng National Demographic and Health Survey, dalawa sa limang biktima ang hindi nakapag-sasabi sa kanilang nararanasang krimen sa mga awtoridad dahil sa takot.
      Bilang isang babae, gusto kong maging boses ng mga kababaihang nahihirapan sakanilang mga karapatan. Mga kababaihang hindi pinagpala ng wastong edukasyon, kababaihang dinaranas ang diskriminasyon at mga kababaihang biktima ng mga taong sinadyang marumi ang utak at basura ang pagkatao na nagreresulta ng panggagahasa na isang malagim na suliranin ng anumang lipunan. Sana'y wala ng kababaihan ang mawawasak ang pagkatao, personalidad, buhay at pag-asa dahil lamang sa hindi pagkakaroon ng pantay na karapatan.










