Nagbalik ako at hahanapin kung bakit tumigil sa yugtong ito.
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Brazil
seen from United States
seen from Germany
seen from Germany
seen from United States

seen from Brazil

seen from Germany
seen from United States

seen from Türkiye
seen from Türkiye

seen from Singapore
seen from Russia
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States
seen from China
Nagbalik ako at hahanapin kung bakit tumigil sa yugtong ito.
Birthday
Bukas ay kaarawan ko na. Di naman ako mahilig magpaluto tapos may pupunta sa bahay. Kumaen lang kami sa labas ay ok na ako :D Napansin ko lang, tuwing kaarawan ko, umaalis ako at hindi nakakasama magulang ko.
Di ko pa ramdam na kaarawan ko na bukas.....ang bilis ng panahon.
Nakaka-bwisit! >.<
Aalis sana ako kaninang 2 ng hapon, ng bigla sinabi nila na pumunta ako sa Graduation ng pamangkin ko para kumuha ng picture. Wala daw kasi ung dady nya, nasa trabaho. Pag dating ko, nagulat ako. Nandun dady nya. Lumapit agad ako sa ate ko sabi ko "kala ko ba wala si Kuya Joseph" sabi naman nya "aalis rin nyan mamaya". BV na BV ako. Di na ako maka-usap, di na ngumingiti. Natapos na lahat-lahat ung graduation pero nandun parin ung dady nya. Edi gigil na gigil na ako. Pag-uwi ko sinabi ko agad sa nanay ko na nagpapunta rin sakin dun "tignan nyo! pinapunta-punta nyo ako dun tas nakatunganga lang ako! kung umalis na ako kanina edi sana di na ako tatanga dun! nakaka-asar! ginutom lang ako! sinayang oras ko! at kung tinulog ko nalang un ok pa. Di narin ako pumunta sa bday ng kaibigan dahil gigil na gigil na ako. Hanggang sa pagdating ng dady ko, yan parin ung mukhang bibig ko sakanila.
Bakit?! Sino hindi magagalit kung naubos ung oras mo sa wala kapalit ang dalawang buwan na plinano mo na pag-alis?! SIGE NGA!
Nasan na ung taong nasasabihan mo tuwing may problema ka? Nasan na ung laging nagpapasaya sayo? Nasan na ung alam mong hindi ka iiwan sa ere? NASAN NA?! WALA NA! WALA NA KASING PERMANENTE SA MUNDO! KAYA HANGGAT MAAGA, MASANAY KA NA WALA SILA! :-bd?
March 18, 2011
18 ang pinaka-paborito kong numero sa lahat.
Kanina may closing party daw kami kahit wala. Naka-tunganga, nag-kekwetuhan, nag-tatawanan, may parlor, at kung ano-ano pa ang ginagawa. Napag-usapan na pumunta sa bahay ng kaklse ko para sa onting kasiyahan. Naghintay kami sa bahay ng isa kong kaklase dahil may practice pa ung isa ng Graduation ng COCC, CAT & Officers. Mahigit isang oras at kalahati kami nag-hintay. Naglaro muna kami ng touching ball. Maya-maya nag-hintay ulit. Mga alasais, dumating na ang kaklase ko. Gusto ko ng umuwi dahil nakakatamad, wala na ako sa mood. Umakyat na sila sa roof-top at ako ay mag-isang nasa labas. Tinatawag nila ako pero di ko nalang pinapansin. Maya-maya, nag-aya na ang isa kong kaklase na umuwi, pero wala na syang perang pamasahe. Nag-hintay ako siguro dun ng tatlong minuto dahil hinihintay ko sya. Ayaw pa kasi syang pauwiin, pero nagtxt na ang lola nya. Maya-maya tumayo na ako at biglang nag-salita tara na, libre na kita na kita ng pamasahe. Nakatingin lang sila, mga tatlong hakbang nag-salita ulit ako tara na!. Umalis na kami. Sabi nya badtrip ka noh. Sempre ang sinabi ko sino ba nmang hindi ma-aasar dun, ayoko pa naman sa lahat pinag-hihintay ako. Di ko nalang rin binaggit ang isang dahilan dahil kahit sa sarili ko eh naguguluhan ako sa bagay na iyon.
Kilala na siguro nila ako maasar, kung hindi ko sila sisigawan o papangaralan, bigla nalang ako tatahimik sa isang tabi. Hindi naman kasi ako ung taong kayang tumahimik sa isang tabi, kaya madaling malaman sakin kung may problema. At, importante sakin ang oras!
Summer Vacation <3
Ngayon pa lang, inuumpisahan ko na mag-bakasyon. Wala na naman kaming ginagawa. Tapos na rin exam nung 1st wk of March, bilis dba?
Di ako pumasok kahapon at ngayon. Dami ko namiss na kaganapan, pero sempre napalitan agad ito ng saya at kilig. Pinanuod ko ang Marry me Mary khpon at natapos ko ngyon. Di ko alam kung bakit hindi ako makaget-over sa palabas na iyon. Ngyon na lamang ulit ako nagbabad sa tv ng ganun katagal. Sa totoo lang kasi, di ako nag-aaksaya ng oras sa alam kong walang kwenta. Pero sa totoo lang, nagsasawa na ako sa Pinoy teleserye, maging ang Mara Clara(pasensya sa mga taong sinusubaybayan ito at paboritong panuorin in short die-hard fan) Dahil alam mo rin naman ang mang-yayari. Ang di ko lang maintindihan kung bakit pare-parehas ang ending. Masyado akong problemado tungkol dito. Dapat ang title nito ay Opinyon Tungkol Filipino Teleseryes.
Balik tayo sa tunay kong intensyon ng pagbabahagi nito. Ano nga ba ang pwedeng gawin ngayong summer? Nakaka-sawa na kasi ang daily routine nung 2010 summer vacation: gising ng 12nn, net, ligo, tulog, net, net, net, net, net, at matulog ng umaga. Gusto ko naman ngayong gawin ay ang gumising ng maaga, pag-exercise, kumaen ng umagahan, manuod ng tv/movies, net, kumaen sa tamang oras, matulog ng tanghali, mag-gala, net, matulog sa tamang oras. Pero, mukhang impossible.
Osya, alam ko nmn walang bumabasa nito bukod sa sarili ko eh =) kaya........ :P
#1 Wala Lungs: Pwede pahiram ng utak ni BOB ONG kahit sandali lang?