anak, asawa at ina
yan ang pinakamahalagang role ko ngaun sa buhay. hindi ako handa pero pinipilit ko maging mabuting asawa at ina sa sarili kong pamilya, Siempre, mabuting anak sa nanay ko.. ako lang kaya anak niya.
minsan kapag sobrang nastress na ako kasi kahit di ko pinoproblema o kaya kahit maliit na bagay pinoproblema ko talaga, ang sarap lang mag-sisigaw. Sa bawat sigaw mo, wala man lang makarinig "hello di ko na po kaya, baka gusto nyu ko tulungan?" mga ganyan.
hindi nga perpekto lahat ng tao pero pinipilit maging the best kahit papaano. yan naman talaga me kanya-kanyang drama sa buhay. Hay, wala naman yatang tao dito sa mundo na walang drama ang buhay no? kanya-kanyang diskarte nalang kung paano mo dadalhin yang problema.
minsan, sa sobrang stress ko din naiisip ko na tapusin nalang lahat. lam na. Sabi ng asawa ko, selfish akong tao kasi di ko man lang naisip ung mga taong iiwanan ko sa ere ng biglaan kung gagawin ko man un. Malakas na pak un sa isip ko. T_T
kaya promise ko sa sarili ko na never nang sasagi sa isip ko un at tuwing maiistress ako, iisipin ko nalang ang anak ko. *u*















