Tatakasang muli
Heto na naman ako,
Muli ay tumatakbo
Papalayo sa iyo
At pilit tinatakasan ang mundo.
Akala ko ay kaya ko na
Tuwang-tuwa pa noong una
Subalit habang tumatagal
Napagtatanto kong ako'y isa lamang hangal.
Ang hangarin ka ay isang ambisyon
Na mananatiling ilusyon sa habang panahon.
Ngayon, sa aking isipan
Ay may naiwang katanungan.
"Tama ba talaga
Ang aking ginagawa?"
"Kailangan na nga bang isuko,
Gayong hindi na nakabubuti sa paglago?"
"O dapat bang magpatuloy lamang
At ipagsawalang bahala ang nararamdaman?"










