Photo from: www.amiananbalitangayon.com
HALALAN 2016:
FIRST TIME VOTER!
Yesterday was Presidential Election in the PH and here are my thoughts while I'm inside the precinct:
1. Gahd, mahaba pila sa classroom na pinilahan ko pero sa iba ang bilis lang. Buti nalang naorient na ko sa PUP sa pagpila. Pakiramdam ko tuloy mas marami kami sa cluster na yun. Bakit ganon?
2. Kasabay ko bumoto 'yung isang politiko, dapat pala nauuna siya so di na siya pumila (pati asawa niya di din pumila). At infairness, parang air freshner 'yung pabango niya na kahit nasa dulo ako ng pila, amoy na amoy ko. Tila ba sinasabi ng pabago niya, "Iboto niyo ko." Weird sa pakiramdam.
3. Akala ko mahigpit pagdating sa "identity" mo. 'Yung tipong kailangan mo ng mga patunay na ikaw yung asa listahan but they didn't ask for any valid ID. (Nagdala pa naman ako mga 5) Basta hawig mo ata yung asa picture kahit mga 7 years ago pa yan, lusot ka. Medyo nakakadismaya.
4. May isang babae na hindi marunong magbasa at malabo ang mga mata. Alam na ng mga bantay na ganun ang kalagayan so I was expecting na may lalapit sa kanya na watcher o officer para tulungan siya, pero wala. I decided to sit beside her para pag wala padin lumapit, tutulungan ko na. She's with her husband para daw eskortan siya. Kaso pareho malabo mata, hindi niya makita yung bilog (medyo malabo naman kase talaga, sana itim nalang kasi). Hindi ko natiis, tinulungan ko (kahit bawal ata) para mas mapadali ang pagshade niya. (Alam ko tuloy na si Miriam and pangulo niya hihi) Nakakadismaya padin part 2.
5. Karamihan sa mga nakita ko (matatanda halos), hindi na chineck 'yung resibo. Juicecolored pano kung mali? Nanghihinayang ako, swear.
6. Lastly, blue green pala ang indelible ink. At ganito ang itsura niya pag naka nail polish ka, bam! 😏 Mukhang merthiolate ng mga sosyal
In a nutshell, mapayapa naman sa lugar kung saan ako bumoto. 🙈🙊🙉













