Na may kurot at pitak sa aking puso, ako ay masaya ngunit nalulungkot sa pagtatapos ng isang taong panuruan. Napaka-bilis ng panahon at napaka-espesyal ng taong panuruan na ito para sa akin. Marahil naging mas espesyal ito dahil nakita ng aking mga estudyante ang hirap at pagsubok na dinanas ko. Nakita ng mga batang ito ang hirap na pinagdaanan ko ngunit naroon parin ang aking pagnanais na maitawid ang isang araw na klase kasama sila. Inaalala ko ng matimyas sa aking puso ang lahat ng mga mag-aaral ko na nakiramay sa akin sa panahon na may pinagdaanan akong pagsubok (COVID + Leg Accident 2021). Maliban pa dito ay inaalala ko nang may pasasalamat ang mga studyante ko na itinuring ako bilang kanilang kaibigan at kasama sa paglalakbay na ito… To my dear students for this school year, most especially to my dear 8 - Careful, my heartfelt and utmost gratitude to all of you! I return the thanksgiving to our Almighty Father for having allowed me to become your adviser this school year ❤ Praying always for the success of you future endeavors and may the Lord always prosper your plans ❤










