AHHHHH SHEEEMS!!! Tinotoo talaga nila August 1 opening ng Solo Leveling V2. Ayoko buksan 😭😭😭 kinakabahan ako pero kasi mag iispoil yung isa kong kaibigan. Ngayon ko lang napansin kasi sa mangakakalot site nag notif pero sa tachiyomi extensions kasi talaga ako nakafocus kapag ka may mga newly notif updates. Wala sa library ko Solo Leveling eh. Di talaga ako umasa HAHAHAHAHA pero nakakagulat talaga. Daming hiatus ngayon hindi lang manga/manhwa pati na lalo sa anime. Di lang artists ang nag pahinga kundi mga translators din. Hindi naman masisi pero damn hirap mag hintay. Isa talaga sa inaabangan ko at naudlot pa ay yung Food Wars Season 5. Never pa akong nakapanood ng isang episode ng food wars sa manga lang talaga. Ang point kaya inaabangan ko yun ay dahil ayaw ko na basahin yung manga. :/// Katamad na. Matagal ko na talagang binitawan food wars kasabayan pa nung Welcome To Demon School Iruma-kun manga. Nasa 200+ chapter na ako doon sa nanalo na yung rebels at napalitan na ang elite ten council. Taenaaa sa manga rock ko pa binasa dati yan bago mag shutdown apps nila. HAHAHAHAHA *rip manga rock-sama* Nung time na naging stable na sila sa totsuki yun pakiramdam ko nawalan na ng thrill. :( Kahit sa animated version man lang matapos ko na. Hays











