A Date Night With Mr. Torpe (on Wattpad) https://my.w.tt/azxDd0F6Oab Nagsimula sa blind date. Nagpatuloy ang komunikasyon nila sa text. May pag-asa kayang mapunta sa next level ang relasyon nila kung si guy ay isang torpe?

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Taiwan
seen from United States

seen from China

seen from Malaysia
seen from Yemen

seen from United States
seen from United States
seen from Norway

seen from Cayman Islands
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from United Kingdom
seen from China
seen from Malaysia
seen from United States
seen from China
seen from United States
A Date Night With Mr. Torpe (on Wattpad) https://my.w.tt/azxDd0F6Oab Nagsimula sa blind date. Nagpatuloy ang komunikasyon nila sa text. May pag-asa kayang mapunta sa next level ang relasyon nila kung si guy ay isang torpe?
That "sana bumalik yung dating kami" feeling...😭
My Filipino friends please support the new story of a friend of mine. This is her new book : Maria. You can also check her other works on Wattpad: kaylor0313 Thank you.
Ako Si… Maria (on Wattpad) https://my.w.tt/0cKcTAnChO
MARIA… Sabi ng ilan pang santa daw yung pangalan! May ilang nagsasabi na pwede rin daw na “rebellion,” “wished for child,” o “mistress or lady of the sea”. Pero alam nyo ba na ang pangalang Maria (Latin: Mary; Hebrew: Miryam), ay nangangahulugang “sea of bitterness” o kaya naman ay “sea of sorrow”. Iyang huling definition ang mas nakapagpukaw ng…
How everything started
So this is my first actual blog of how I feel right now. I keep on telling myself that I should keep this and let it flow with the wind until my feelings subside but it keeps getting stronger. 😭 and I seriously can’t help it. Here you go…
January 2017, there’s this new guy in the office. Let’s call him Mr. X! 😅 So he was introduced to me by B (let’s call him B na lang, he was the first guy na asarin saken sa office. Yung boss kase nila, gustong gusto na may inaasar saken na mga associate nya and he has a girlfriend). I find him cute but hanggang dun lang.
Habang tumatagal, inaasar na ako ng boss nila kay Mr. X which is nagiging awkward for us kase lahat na ng tao inaasar kame. As in, pag nakikita ako si Mr X kagad hinahanap. Pag sya naman nakikita, ako naman hinahanap. But we don’t talk sa social media. Hanggang sa gumawa sila ng group sa Viber and ayon dun na kame nagstart na mag usap. Dun ko nalaman na wala pa syang girlfriend. Then, we became friends. 😊
February 2017 - we found out na sinagot na sya ng girlfriend nya and my Ate started saying na ‘dont talk to him na, may gf na pala sya’ but we stayed really really close to the point that nagchachat kame hanggang makatulog.
March 2017 - we became so close that even the smallest thing na gawin nya or gawin ko is alam ng isa’t isa like pag magpapagupit sya na ako pa mamimili kung anong gusto kong gupit, mag pipicture sya kahit nasa gym sya, etc. Dumating din sa point na sinasamahan nya na akong mag lunch, mag meryenda at magsimba (may malapit kase na simbahan samen na lagi ko pinupuntahan). Mahilig pa syang magtampo pag may kumakausap saken na iba, nagagalit pa pag sobrang cold ako magchat sakanya. Alam mo yun? Yung lahat ng pwede mo ikakilig, ginawa nya na. And I know in myself that i’m starting to like this guy.
One day, he chatted me that he’s happy with my company. Na masaya sya na nakakasama nya ako. Syempre ako, alam ko yung mga galawang ganun na paasa or fuckboy. Lol so he told me na wala syang gustong kunin saken kundi tiwala ko. Kung pwede nga lang daw na ako na lang ang girlfriend nya 😭 hindi nya na daw kailangan ng label basta ang alam nya masaya sya na kasama ako. So ako, ayon tanga naniwala. Kinilig at nainlove knowing na may girlfriend sya. 😭
I can say that March is the month na talagang pinaramdam nya saken na I’m special. Gusto kong isa isahin pero sa punto ng feelings ko ngayon maiiyak lang ako. Hahahaha. 😭
April 2017 - everything is fine. Yun nga lang nahahalata na talaga ng mga kaofficemate ko even my boss that there is something between me and him. Kase pag nagmeeting, lagi sya nakatitig saken. Dinadalhan ako ng pagkaen at lagi ako tinatawagan at ku ano ako pa. Kinausap ako ng buong team na I should stay away kase may girlfriend yung tao. Ako naman, natanga nga ang sabe ko ‘wala naman something samen e, magkaibigan lang kame. Napag usapan namen to na hanggang dito lang kase may gf sya’ which is contradicting my feelings. 😔 I know in myself that we have something (or assuming lang ako) at alam ko din na more than friends ang gusto ko.
Dumating na sa point na pag may ipapagawa sa team nila di na ako ang pinapapunta, pag umaakyat si mr. X binabara sya kagad ng mga ka officemate ko. And then, all of a sudden nag pasabe sya sa kay Mr B na wag na ako magchat sa FB nya kase chinicheck na daw ng gf nya yung messenger nya. After that, di nya na ako dinadalaw at nalaman ko sa friend ko na lalayuan na ako ni Mr. X! 😔
Yes, na-hurt ako. Pero naisip ko this is for the best dahil nasosobrahan na ang pagka landi ko. Kailangan ng itigil dahil maski ako alam ko yung feeling ng naagawan ng jowa. Pag nagkikita kame okay pa din kame, nagkukulitan pero hindi na tulad before. I feel so okay and at the same time I feel so lonely as I’m missing him so bad. Even now, I’m still hoping na ichachat nya ako para kamustahin na pupuntahan nya ako sa taas para sabihin lang na namimiss nya ako or bibigyan ng chocolate 😭.
Sa sobrang gusto ko i-divert yung attention ko napunta sya kay Mr. B! 😅
And that will be on my next blog… 😅💔
KATH AND VINCE😍
STORY OF US
Ngayon ko lang ata to gagawin. Feeling ko kasi ikaw na.
Fourth year HS tayo. Di ko na matandaaan paano nagsimula pero niloko loko mo ako na girlfriend mo ako..na crush mo ako. Okay lang naman, kaya ako go lang din.
Months passed by at naging crush ko si M. Si M na naging sentro ng 1st quarter ko. Kinikilig ako pag magkatext kami. Pero nung inamin ko yun sa kanya..unfriend sa Facebook ang natanggap ko. Fast forward sa birthday mo. Binigyan kita ng regalo. Bilang magkaibigan naman tayo at lagi mo akong tinuturuan sa Math, ano bang bigyan kita ng pabango.
Graduation. May picture tayo. Umuwi Mama mo galing Japan. Sabi pa niya noon " Oh yung girlfriend mo,picture kayo." Gulat ako. Pero okay lang. Indifferent sa pakiramdam. Sabi mo hindi mo ako girlfriend, e di hindi. Okay lang rin.
Mother's Day. Binati ko yung Mama mo. Nag-pm ka. Sabi mo tinatanong ng Mama mo kung girlfriend mo ako. Sabi mo hindi. Nagtampo ako. Tapos sabi mo, " Hindi. Hindi kasi magaaral pa yun. Tska na kapag graduate ka na. Yun sabi ko kay Mama." Parang ganyan yung sinabi mo,di ko na maalala.
College. Sa Ateneo ka pumasok. Sa UP ako. Malayo kasi ako, sa Baguio. Minsan maabutan kita sa Facebook at icha-chat. Madalas akong istorbo sa paggawa mo ng mga lab activity mo pero nagrereply ka pa rin kasi sabi mo ayaw mo na masabihan ng snob.
Birthday ko. Sa lahat ng greetings sa wall ko, sayo inabangan ko. Pero wala. Kinalimutan mo. Gusto kong ibala ka sa kanyon. Gusto kong itulak ka sa bangin. Kahit text man lang wala? Nagmessage ako. Sabi ko birthday ko kahapon at di mo man lang ako binati. Nagsend ka ng sticker ng pusa na may Happy Birthday at nagjoke na ipapakita mo ang ABS mo sa akin bilang regalo. Nagreply ako ng " Haha, piling mo. Ge bye na." kasi nainis na ako noon. Baka kung ano masabi ko.
Si R. Si R yung naging crush ko sa UP. Kinwento ko siya sayo. Kunwari selos ka, tanda mo nagaway pa tayo? Dun. Dun ko naisip. Dun ko narealize.
Sembreak. Bago mag sembreak sabi mo kapag bakasyon mo ako unang pupuntahan mo. Pero hindi mo ginawa kahit text man lang na nandito ka na. Samantalang yung iba..
SLU. October 25. May tumawag sa akin. Galing akong ospital. Lilipat ka daw. Sabi ko bakit. Family problem daw. Hinayaan ko lang kasi baka ikaw ang may gustong magsabi sa akin nun. Di ko inungkat pa. Gusto ko rin kasing ikaw ang magsabi. Pakiramdam ko pinagkakatiwalaan mo ako kapag sa akin mo sinabi. Masaya ako kasi sinabi mo naman.
Dengue. Isang linggo ako sa ospital. Di ka man lang nagtext ng "Get well soon." Nakakatampo. Samantalang yung bagong profile picture ng dati mong ka-MU nalike mo.
Bus. Enrolment ko nun. Pagod sobra ang inabot ko. Nagkita kami ni Daddy sa station ng Partas para siya manlilibre ng pamasahe pauwi. Pagsakay ko may kumalabit sa tagiliran ko. Akala ko holdap. IKAW pala. Nakakatawa kasi bago ako pumunta sa station ng Partas ay nagkita kami ni Anne at Daniel. Alam mo bang ikaw pinagusapan namin?
Nasundan ng nasundan ng kalandian ang mga araw. Ang ending?? SEENZONED. You left me hanging. You left me thinking. What would you say? What will you respond? I'm still waiting for your reply. Just so you know.
-end- sorry for typos and grammatical errors