Talikdan
"TALIKDAN"
Talikdan mo ang halik Ang pakiramdam ng pananabik Talikdan mo ang haplos 'Pagkat natitira lamang ay batikos
Talikdan mo at bumitaw Dahil bingi na sa sigaw Talikdan mo at iwanan Wala ng patutunguhan
Talikdan kung saan ka nagsimula Bakit pa kakapit sa wala Talikdan mo ang kung saan ang dulo Sa laban ikaw ang talo
Talikdan ang kung ano tayo Wasak, babalik sa ikaw at ako Talikdan ang pag-ibig Ako na ang langis at ikaw ang tubig
Talikdan mo ng lahat Mula sa murang mga sugat Talikdan mong isa-isa Dahil ang dating dalawa ay nag-iisa na













