Aj in bullets.
So, request ni JL 'tong post na 'to. Na magkwento daw ako ng tungkol sa sarili ko. Itatry ko yung makakaya ko. :)
Aj, nickname lang yan. Apple Joy ang first two names ko. Apple, kasi pag umiiyak ako dati, ang pula pula ko daw at ang bilog bilog ng mukha ko at nagmumukhang apple. Naisip ko, apple lang ba ang pula na bilog sa mundo? Pde namang cherry o kaya strawberry o kaya tomato. Oo, tomato. Wahahahaha! Tapos yung Joy, wala lang. May maiduktong lang.
Bata pa lang, sakitin na ko. May bronchitis ako since two years old. Isang buwan din daw akong maysakit nito kaya si momee napilitang mag-resign sa trabaho.
Accident magnet ako ng onti nung bata ako. Sa lower lip ko ngayon, may pumutok dito at yung lump, forever nang andito. Tapos dati nabaggok na rin daw ako tapos di ako umiyak kaya natakot sila at baka kung ano daw nangyari sa'kin, blah blah blah.
Every year, hanggang 7th birthday ko, may party ako lagi. Kasi hanggang 5 years old ako, only child ako kaya halos lahat eh nabibigay sakin ng parents ko.
2 years old pa lang daw eh may ability na rin akong magbasa ng mga 0ne-word words. Antaray ng lola nyo, kunwari gifted child.
Every year, hindi pdeng hindi ako aatakihin ng bronchitis. Kahit may pneumonia vaccine naman ako parati. Tapos dati nagka-primary complex na rin ako. Kawawa naman baga ko.
Ever since nag-aral ako, sa San Martin ako. Nung 1st year HS lang ako lumipat tapos after 1 year, bumalik din ako. Consistent honor student rin ako kaya hanggang ngayon, nadadala ko yun. Wala akong pake sayo kung nangongopya ka. Basta layuan mo ko pag ganun.
Nung elementary, boyish ako. Kasi si Avril favorite ko nun tapos boyish din sya di ba? Kaya, yun.
Pagdating ng high school, unti unti na kong nagpopormang babae.
Balbon ako. At nakakabwiset. Kahit sabihin mong unique yun. Masasapak kita.
Di ako marunong MAGLUTO, MAGSAING, MAGLABA at MAMLANTSA. Anong ginagawa ko sa bahay? Mag-hugas ng plato, magwalis, magligpit at mag-alaga lang ng aso. Eh nanay ko e, di naman ako tinuruan. Magagawa ko. Di ako prinsesa ha. Pero trato nila sakin, lalo nung baby ako, lalo yung mga tito ko, prinsesa ako. Kasi nga napaka-fragile kong bata.
Sobrang hilig ko sa libro. Nung grade 3 ako lagi kong katabing matulog yung libro namin sa Sibika. Yun talaga ang pinaka-distinguishable na fact sakin ng mga tito at tita ko, kaya proud na proud sila sakin.
Since grade 4, JOURNALISM na talaga gusto ko sa college. I always want to write. Tsaka by that time, I look up at my tita who is a Journalism graduate at PUP.
I'm moody. Tas sabi ng daddy ko, bakit daw ako laging nakasimangot. Sayang daw ganda. Dati yun, nung bata ako ang sungit ko talaga. Tapos nung first years ko sa HS, ang bad-tempered ko. Nung naging Christian na ko, nawala na. Praise the Lord! :">
Mataas standards ko sa lalaki. Dapat mamimeet nya yung mga gusto ko at trip ko, lalo na yung mood ko. Kaya minsan hirap sakin si Raymond.
Mahina tingin ko sa sarili ko. Siguro dahil sa na-bully na ko ng ilang beses, mapa-noon man at hanggang ngayon, pero mas malakas na yung self-esteem ko. Unti unti nang na-u-uplift with the help of my Christian faith.
Sensitive ako. Di ko rin alam kung bakit.
Naiinis ako kasi minsan ang tamad ko. Eh gusto ko na tong baguhin. Kasi kahit sa devotion, may onting times na tinatamad ako. :(((
Tahimik naman talaga akong tao. Mahiyain. Pero tingin sakin ng mga teachers ko noon, ang daldal ko. :( Siguro kasi lagi nila akong nahuhuli. Tuwing titingin sila, ako yung nagsasalita sa katabi ko. Badtrip. Haha.
Hirap akong magsulat ng Tagalog. Nasanay sa English e. Pero di naman kami English-speaking sa bahay.
Cat lover ako. Nito lang naging dog-lover din dahil kay Pringles.
Oo na, vain na ko. Walang magawa madalas e. Hahaha. Kahit alam kong hindi naman ako maganda. Wala naman akong sinabing maganda ako.
Masaktan mo ko, kaya kitang patawarin. Pero yung trust, di na mababalik. Yung ginawa mo, lagi na yang nasa puso ko.
Ang strong ng trust issues ko. Yung tipong umaabot sa point na kinikimkim ko lahat sa loob. Kahit sabihin pa sakin ni Lord na, "Anak, kumausap ka rin ng iba", ayoko. Natatakot akong pagtawanan nila yung mga sasabihin ko, kasi wala akong kwenta.
Pangalawang boyfriend ko si Raymond. Sya, ako yung una. As in, ako yung first love. Pero sya din first kiss ko. Na-kwento ko na yung past ko dati dito, tama na.
Organized ako sa mga bagay. Sa Physics pa lang, dati nung HS, bumili ako ng mga colored pens para maayos yung mga drawings ko sa Physics. Nag-rereviewer ako pag may exams. May assigned ganito, ganyan ang bawat bagay na meron ako.
Alam naman ng lahat na otaku at cosplayer ako. Nuff said.
Dito na ko magtatapos. Sobrang thankful ko sa Salvation na na-receive ko. Saved na ko. My life is with the Lord already. I let Him run my life. Kung ano man ako ngayon, it's the product of my faith to Him. Thank You, Lord for this life. Thank You for everything.










