Yung mga kaibigan ko, palagi na lang iniisip na badtrip ako. Minsan hinahayaan ko na lang na isipin nilang nagsusungit at nagtataray ako kahit hindi naman. Kasi kung ieexplain ko o sasabihing di naman ako badtrip, di din nila paniniwalaan. Ewan! Para bang palagi na lang akong nagsisinungaling sa harap nila, pero ang totoo, palagi naman akong nagsasabi ng totoo.
Minsan talaga may mga pagkakataong hindi ka na lang mag eexplain sa iba, o hindi babaguhin ang papanaw nila tungkol sa'yo, kasi kahit naman gawin mo, wala ding silbi. Ganun pa din ang tingin nila sayo. So you'll end up tolerating whatever they think or say to you. Kasi diba, kung friends mo talaga sila, malalaman naan nila yung totoo, na hindi mo na kinakailangan ulit-ulitin pa sa kanila.
Kaya minsan kahit pa sabihing sobrang close kami ng isang tao, di pa din natin masasabi na sobrang kilala na niya ko. Kasi may mga bagay na hinahayaan ko na lang na paniwalaan nya tungkol saken.














