Theathoughts
Sa sobrang mahal ko yung teatro umabot na ako sa punto na yung disiplina e na adapt ko na rin sa buhay ko.
Natutunan ko kung paano maging manhind ipakita sa iba yung gusto kong makita nila. Nalaman ko kung paano itago sa matatamis na ngiti yung damdamin ko na napakapait.
Sa teatro kasi, dapat i feel mo yung character mo para mapaniwala mo yung ibang tao na yun din yung nararamdaman mo. Kung malungkot yung scene, dapat paniwaalin mo yung sarili mo na malungkot ka. Kung masaya naman, e dapat pilitin mong maging masaya. Sa ganung way kasi, mapapakita mo sa audience kung ano yung nararamdaman ng character.
Character. Hindi yung sayo.
Sa teatro, mas masaya sila pag mas ginalingan mo yung pagpapanggap. Mas masaya sila kapag mas napaniwala mo sila na ikaw nga yung character na pinoportray mo. Natutunan ko na hindi sa lahat ng panahon kailangan mong ipakita yung totoong ikaw. Kasi minsan, mas matutuwa yung ibang tao kapag pinakita mo sa kanila yung gusto nilang makita. Minsan, mas matutuwa sila kapag hindi mo pinakita yung totoong ikaw.








