(c) The Chongkeys on Facebook
Pagdating nila sa stage at makitang tahimik at DEAD ang crowd, sabi nila "WALA HO TAYO SA PRAYER MEETING." -- love it.
The Chongkeys: *plays reggae tune*
Crowd: *dances to the sound*
The Chongkeys: *sings* Nasa'yo na ang lahat. Minamahal kitang tapat.
Crowd: *shouts and sings along*
The Chongkeys: YAAAAN!! DYAN KAYO MAGALING!!! PAG GWAPO!!!!
HAHAHAHAHAHA!!! Isa pa tong mga nagpapasaya sa concert di na ko nagtaka kung bakit last sila nung Earthday Jam kasi kaabang-abang talaga sila at mawawala ang pagod mo pag naki-jam at sumayaw ka sa mga kata nilang makukulit.
Nung Earthday Jam hindi ko sila napanood kasi umalis na ko after ng Callalily (para kumain), hindi ko pa kasi sila kilala. Which I regretted because I get to see them last night sa SWARM, yeah that again, that concert last night sa Marikina Sports Center. SOBRANG SAYA PALA NILA KASAMA, ANG HYPER, naka-kapeng barako, NAKA CHONGKEY! Sobrang taas ng energy nila, kaya mo ba nag heheadbang habang nag nagco-conga drum habang tumatalon habang kumakanta 4-5 songs straight! Tapos yung mga anlakas maka-ADHD na galaw nila nakakatuwa talaga. Siguro mga 30-second talk lang yung pahinga nila in between the songs. Astig talaga. *insert okay gang sign here*