love is not practical. it is ruled by emotions. it is being strong and true to what you really feel. not being bound by the fear of rejection. not thinking if you'll have something in return. love is magical. love can be a torture. and the thought goes on.. love is.. complex.
tapos madaming magulong thoughts na nag pumasok sa isip ko, dahil yun sa napanood ko sa t.v. "THE ROMANTIC". it's a reality dating show in Korea. the show goes like this. 5 men and 5 women were given 10 days vacation in Croatia. they'll have their turns to ask each other for a date. ganun lang, then suddenly, feelings developed. there were changes of hearts. love triangle. and scenes kung saan lumalabas yung sweet diskarte nila. tapos kanina ipinalabas yung final decisions nila. yung mga babae, naghihintay sa iba't ibang lugar. habang yung mga lalaki, grupo na pupunta sa lugar na yun. bibilang ng 10. at kung yung babae ang pinili nila mag-sstay sila, pero kung hindi, move on to the next destination. tapos yung mga babae naman, kung dun sa mga nanatili, ay nandun yung choice niya, answer with a hug. tapos, kung hindi naman yun yung choice niya, handshake naman.
first destination, five men. one girl..counted to 10. walang nag-stay. ouch lang diba? yung lalaking gusto nya, ang gusto'y iba. heartbreaking makita na hindi ka pinili ng taong gusto mo, pero ang totoo, the girl have seen this coming. sa buong journey naman nilang magkakasama, kita nyang may gustong iba. pero sabi nya, hindi naman daw ganun kadaling palitan kung ano ang nararamdaman.. kahit anong mangyari, kahit hindi sya ang pinili..mahal pa rin nya yung lalaki.
second destination, five men. one girl. counted to 10. 3 ang nag-stay. handshake sa isa. tapos nahirapan sya dun sa dalawang natira. yung mga natira, one makes her happy, the other one makes her laugh. yung isa nga dun nagtapat na nung day before the decision. yung may photo album, puno ng pictures nila.may sweet letters at notes, binasa sa harap ng girl..confession of his love. he had a line that says "if you choose to stay by my side, i promise to keep you smiling, like in this photograph". (kinilig ako dun sa part na yun,promise. haha.) yung isa naman, kasundo nya yung ugali, makulit at lagi syang pinapatawa. they are in the same age, sharing same interests.. pero sino sa dalawa ang pipiliin nya? find out mamaya..
third destination, 2 men remaining. one girl. counted to 10. isa ang natira. ngayon, desisyon na nung babae. yakap? o pakikipagkamay? slowly approached the man at biglang yakap. it was a happy ending. nung una pa lang choice na nila ang isa't isa. sweet diba? kahit nasabak sila sa pakikipag-date sa iba, pinili nila nag isa't isa. all the way ang desisyon nila ay sila. sabi nga nung lalaki, nung sumali sya sa program na yun hindi nya akalain na magiging seryoso sya, pero nung nakilala nya yung babae.. nahirapan sya. nahirapan syang hindi maging seryoso sa feelings nya. that could happen in real life. yung tamang timing lang kayo ng partner mo. yung nung una pa lang my bugso na ng damdamin na sa huli..kayo. nagtagpo kayo sa gitna, sharing same feelings. and now, a happy ending. *yung lalaki dito yung dapat choice nung nasa first destination kanina.*
fourth destination, a man. a woman. counted to 10. sabi nung lalaki, "i'm not going anywhere. she is my final decision."*in korean.* yung babae naman..unti-unting lumapit sa direksyon nung lalaki.. pero lumampas. nilampasan nya. fail ending ba para kay kuya? nung makalampas sya at nasa likod na sya nung lalaki.. she gave her a hug. from the back. SWEET! :"> akala mo wala na, akala mo hindi ganun ang nararamdaman nya.. tapos, yun.ganun din pala. mahal nyo pala ang isa't isa. nung una hindi pa sure yung babae sa lalaki, kasi 9 years ang age gap nila. mas matanda yung babae. at besides, hindi sya yung parang choice nung lalaki nung unang part nung show. napalink kasi yung lalaking 'to dun sa babae sa second destination. temporary choice nila yun isa't isa sa first half ng show. naging love triangle sila. pero nung huli.. love found it's way. they have the same feeling for each other. kahit gaano pa kalayo ang gap, at kahit sinubok sila ng pagkakataon. they made it through.
fifth destination. recap? there's none left. tapos, sabi sa babaeng naghihintay. "no one's coming" shet. ang saket lang nun. kung yun ang maririnig mo. naghihintay ka, pero walang dadating. sabi nung babae, this is one of the hardest part..being the last. no one's coming. and i think it was supposed to end this way. harapin natin ang katotohanan na minsan, hindi lahat ng hinihintay..dadating. maskit isipin, pero dapat tanggapin. *yung pipiliin dapat nito ay yung unang kinamayan nung nasa destination 2.*
eh ano na nga yung desisyon ni destination 2? lumapit sya dun sa one that makes her happy, yung ngabigay ng photo album. offered a handshake. aww. :( his love confession did not have anything in return. pero hindi sya na-bitter. sabi nya, naging masaya daw sya..kasi at least naipagtapat nya yung tunay nyang nararamdaman sa babaeng kanyang nagugustuhan. one man remains.. lumapit sa kanya yung babae. pumunta sa likod nya.. hug from the back ba? kinuha ang kamay at handshake din. sa tatlong nagkagusto sa kanya, wala syang pinili. dahil yung puso nya? ayun, nandun pa rin sa original choice nya nung una pa lang. dun sa lalaki sa fourth destination. kahit alam nyang may pipiliin yung iba..wala syang magagawa, kasi yun ang dikta ng puso nya. she may have that charm to capture half of the men in that show. pero yung isang gusto nya..hindi nya nakuha. love does not move on that easily.
sampung tao in search for romance. only two pairs, were mutual. magulo ang kwento. magulo ang pagmamahal. siguro, magulo lang talaga ang tao kung ang usapan ay puso. love made them fearlessly stay true to their feelings, kahit walang kapalit. napatulala lang ako sa ending ng "THE ROMANTIC".