Mas trip ko na ako yung unang magkaka-gusto sa isang tao.
Sa totoo lang, may mga times na nagkakagusto ako sa isang tao dala lamang marahil ng panunukso ng iba. May mga gumagawa kasi ng issues kahit hindi naman totoo. Tapos minsan kasi sobrang tinutukso na kayo sa isa't isa, nagkakaroon ng attraction. Kaya ang tendency, tingin mo unti unti ka nang nagkakagusto sa kanya. Tapos may mga times pa na akala mo nahulog ka na sa kanya pero ayun nga, nadala ka lang ng panunukso ng mga tao sa paligid mo.
Minsan naman, nagkagusto ka sa isang tao dahil may gusto siya sa'yo. Naranasan mo na ba iyon? Hindi mo ga'no maexplain bakit nagkagusto ka rin sa kanya pagkatapos mo malaman na may gusto rin siya sa'yo. Siguro marahil nagustuhan mo yung gano'n kaya bigla ka ring naattract sa kanya. O kaya naman, sa huli mo lang nalaman na may pagtingin ka rin pala kahit papa'no sa kanya. Pero hindi ko trip yung mga ganitong bagay eh. Yung nagustuhan mo lang siya dahil nalaman mong may gusto siya sa'yo. Minsan kasi ang hirap paniwalaan. Tapos nung naniwala ka na, nagkagusto ka rin sa kanya. Tapos may mga times na masasabi mong nahulog ka na sa kanya kahit hindi naman talaga.
Kaya ako, mas gusto ko masabi na, "Nahulog ako sa taong ito dahil naramdaman ko na una pa lang na mahal ko siya." Hindi yung, "Nahulog ako sa kanya kasi nalaman kong nahulog siya sa'kin." Ano yun, saluhan kayo? Sino nga ba ang sasalo? Sino ang mahuhulog? Tapos tsaka mo lang narealize na hindi mo naman pala siya mahal. Nadala ka lang sa panunukso ng iba.










