Day 140/365 : Be Blessed Everyday 20180520 Munting salo-salo para sa maliit at malaking biyaya na natanggap namin mula sa kalahati ng taòng ito. Bawat okasyon maliit o malaki kami ay nagkakaroon ng maliit na handaan lalo na kung ang pamilya ay kumpleto. Nitong nagdaang buwan, nagsimula na ang bakasyon at umuwi sa kani-kanilang probinsya at sunod-sunod na okasyon at biyaya ang dumating sa pamilya ko. Ngayong araw na lang muli kami nagkasama-sama sa bahay kaya ngayon lang nagkaroon ng munting salo-salo. Kahit hindi kami kumpleto ngayon magsasama-sama pa rin kami at mabubuo sa takdang panahon at lubos kaming nagpapasalamat dito. Ecclesiastes 3:11 He has made everything beautiful in its time. In God's perfect time. May mga panalangin tayo na kahit hindi natin hilingin ay kusa Niya itong ibinibigay sa atin. 0428 Mama and Papa 35th year Wedding Anniversary 0430 My Grand mother's (father side) 85th year living in this earth 0511 My sister graduated with the course of Civil Engineering Technology 0512 My Father's Birthday 0513 Mother's day 0520 My Promotion as Senior Payment Officer that effective 0501 Maraming salamat po sa lahat lahat. Alam nyo naman po na araw-araw akong nagpapasalamat at alam iyon ng nasa itaas. Marami tayong dapat ipagpasalamat sa araw-araw na humihinga tayo. Ibibigay Niya ang mga hiling nyo. Ang biyaya mula sa Kanya ay walang katumbas na kahit ano kaya magtiwala tayo. : ) #frenythought #onlyfrenylixus #thankful #happiness #mamapapa #thereisforever #qualitytime #family #teammamapapa #lovelovelove










