128/366
At hayun na nga, ginawa ko nga maghapon yungposter for my friend Julie. Oo na! matagal kong ginawa kasi nae-ewan ako. Nakakasabaw ang pagharap sa PhotoShop. Pero maayos naman ang kinalabasan. Natutuwa ako, i mean, mas matutuwa ako kung magugustuhan niya. ^^
Namili ng konting grocery kanina sa South Supermarket. Ang pangit lang nung quality ng pictures sa Kodak. Nakaka-sura lang kasi umitim pa ko sa pinare-copy kong 2x2. Ang mahal pa! Hay, ewan.
Bukas, luluwas ulit ako para sa pagpapasa ko ng requirements. Sana naman eh maging maayos at wala akong makalimutan para hindi na ko balik nang balik. Sana lahat ng mga dapat kong malaman bago ako mag-start eh malaman ko na. Kesa naman sa maghintay pa ko ng response nilang ketagal-tagal. lol.
Ingat sa akin bukas. Namiss ko yung mga kasama ko kagabi. hehe. Looking forward na magkasama-sama ulit tayo. Kasama na sana yung iba. Yung mga cool na tao. lol. hahahah











