1PM UK TIME
Yes. I am that bitch - after 1pm UK time. Dahil hindi pwede sa opisina. Dahil sa opisina kailangan kong maging ibang tao. Kailangan kong magpalit anyo.
Kailangan kong maging isang propesyunal. Na laging may sapat na bandwith para agad maka-circle back sa mga stakeholders to keep them in the loop sa bawat actionables, deliverables, habang ako ay nalulunod sa mga miserables.
As in mga miserableng comments like:
We like everything. Everything's great. Everything's perfect. But, the team and I, we're thinking, it needs a few tweaks. Minor revisions. Very minimal. It's so minimal na kayang kaya by EOD.
Na alam namin parehong malaking kasinungalingan Pero kailangan kong kagatin ang aking dila At makuntento na lang sa mga mumunting pag-aalsa na nakapaloob sa katagang Noted. Period. Walang emoji.
Dahil in this economy? Kailangan kong maging Nanay ko Na may isang libo't isang trabaho. Lunes hanggang Biyernes guro ng Filipino sa isang pampublikong high school sa Tondo. Dalawang beses sa isang linggo nagtutuwid ng dila ng mayayamang estudyante sa isang pribadong kolehiyo sa Taft. Tuwing Sabado at Linggo tutor sa mga bata at Avon saleslady sa kanilang mga nanay. Dahil kailan ba naging sapat ang pasahod sa mga guro?
Dahil in this economy, Kailangan kong maging Tatay ko Na hindi inda ang giyera sa Middle East Para makapagpadala ng mga gintong alahas galing Saudi Hindi para may maisuot, pero para may maisangla kapag kapos, at laging kapos. Kaya sa mga sulat at litrato na lang niya ko nakitang lumaki.
Dahil in this economy? As a middle-class kid, pinalaki ako sa love language ng sweldo. Hanggang ito na rin lang ang alam ko. Kaya naman balewala ang lumangoy sa kumukulong kumunoy ng modern slavery habang nakangiti at naka-blazer, dahil mahal magmahal ng pamilya, ng kapwa, at ng sarili sa ilalim ng kapitalismo.
Pero mahal kong fellow corpo, kailangan mong lumaban. Ang trabaho ay hindi pagkatao. Huwag mong hayaang tuluyan kang maglaho sa loob ng iyong balatkayo. Because you are that bitch in 3, 2, 1pm UK Time.

















