Ang tagal ko nang buhay. Mga dalawang dekada na.
Isang beses nakikinig ako sa Weather ni Novo Amor habang na-pindot ko ‘yong blog ni Bribery. Natrigger ako. Hinanap ko na din ‘yong kay Lemadijane. Naiyak ako. Namiss ko na bigla magTumblr.
Ang tagal na din pala nung binuksan ‘ko ‘yong akin. Matagal tagal na rin nung huli akong nagpost. Napaisip ako. Iba na pala. Hindi na ‘ko highschool mag-isip. Iba na din ang blog ko, Wordpress, pang-advance. Pero iba pa rin talaga ang Tumblr. Iba ‘yong epekto kapag sa Tumblr ako nagpopost. Ang gulo-gulo nga pero totoo ‘yong mga pinipindot at pinagsasabi ko. Totoong ako.
Napaisip ulit ako. Ang tagal ko na din palang hindi naglalabas ng totoong pakiramdam. Gusto ko ulit ng ganito. Para kahit malungkot ako, nasasabi ko ‘yong nararamdaman ko. Dati nangangamba pa ‘kong sabihin lahat. Gusto ko na ulit. Gusto ko na ulit magkwento.
Dalawang dekada na ‘kong nabubuhay. ‘Yong stress ay doble na. Gusto na ulit mag-Tumblr. Gusto kong marenew. Gusto ko na ulit mag-Tumblr.
@thisiswhen.tumblr.com