Minsan, hindi naman pala masama ang silipin at muling balikan ang nakaraan. Wala namang masama dito, sisilipin mo lang naman at minsan kang babalik sa eksaktong sitwasyon ng nakaraan mo. Nakakatakot, oo. Masakit, syempre. Pero sa pagbabalik mo sa nakaraan, dun mo malalamn kung gaano ka na ba kalakas ngayon, kung gaano mo na nga ba nagagawa ng mga bagay na noon ay hindi mo naman nagagawa, kung nasaan ka na ba ngayon, kung gaano na ba kalayo ang nararating mo at kung paano mo natapos/naabot ang mga bagay na hinahangad mo lang noon.
Ako nga pala si Clarisse, ang tagal na pala nung huling dalaw ko sa Tumblr account ko. Nung isang, isang, isang, isang, mga limang buwan na yata yung huling dalaw ko dito. Hindi ko alam pero kahit saang bagay pala talaga, meron at meron kang bagay na kahit gaano mo kagusto, mabibitawana a makakalimutan mo din balang-araw. Mahilig akong magblog, ikwento sa isang simple pero nakakatuwang paraan ang nangyayari sa buhay ko sa loob ng isang araw. Itinuturing kong ikalawang bahay at mundo ant Tumblr. Para kasi sa akin, at marahil sa lahat ng tao sa mundong ito, masaya na may Tumblr dahil dito sila nakakapaghayag ng iba't iba nilang nararamdaman. Dito nila naibubulas yung mga bagay na hiindi nila kayang sabihin sa mga tao, eto yung lugar na para sa ibang tao.. "diary" nila. Electronic diary na pwedeng pwede mong balikan kahit anong oras mo man gustuhin.
Nung isang araw, nagkaroon alo ng pagkakataon na bumalik dito, yun nalang uli ang huli kong dalaw at nagbasa ako ng mga post ko noon. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko. Nakakatawa na hindi maipaliwanag kasi ganoon pala ako magpost dati, pakiramdam ko ang bata bata ko pa noon. Pero isa lang naman ang nararamdaman ko ngayon, may kirot.. masakit... na noon pala ganoon pero ngayon hindi na.
Sabi ng isang kaibigan ko, "masakit magbackread sa tumblr, kung pwede lang pigilan ang sarili, pipigilan ko pero hindi padin talaga mapigilan." Sa totoo lang eto yung isa s amga hobby ko, yung laging bumalik at sumilip sa nakaraan. Pakiramdam ko kapag nagbbackreadd ako nakakabalik ako sa panahon na yun. Nakakatuwa minsan, pero masakit na makita na ang laki na ng pinagbago ng mga bagay bagay. Masakit na may nawawala sa mga taong nakakasama mo na noon sa mga nakakasama mo na ngayon, pero masaya kasi mas marami naman na yung kasama mo noon. Nakakatuwa kasi, akala mo dati hindi mo magagawa ang mga bagay na nagagawa mo na ngayon. Yung tipong naisshare mo lang na sana, sana ganito.. pero ngayon totoo na.
Just like a household sharing..
Isa lang naman ang gusto kong sabihin, noon kasi akala ko palagi kaming magkakasama. Akala ko kami lang ang magkakasama na hindi kami mawawala pero madadagdagan lang kami. Sila yung mga taong nakasama ko sa mga unang araw ko sa community. Akala ko na isang text ko lang nandyan na sila. Pero hindi pala. Hindi pala talaga lahat nagsstay sa iisang lugar, darating pala talaga ang oras na may aalis. Ang saya basahin ng mga kwento noon, ang sarap balikan yung mga araw na kami kami lang ang magkakasama at nagbabahagi sa bawat isa ng mga sakit at saya. Kung pwede lang na balikan at manatili nalang sa oras na yun, sana nandun nalang kami. Kung dati kami yung inaalagan.. ngayon kasi, lahat kami may kanya kanya ng inaalagaan.
Ay isa pa pala, ang sarap balikan ng mga post ko dito kung gaano kasaya na parte ako ng isang napaka laking pamilya. Hindi man kami magkakadugo pero higit pa ata sa isang tunay na pamilya kung paano kami magturingan. Palagi lang naman ako "on the go" sa mga kailangan puntahan wala akong reklamo, akala ko kasi hanggang dun lang ako. Akala ko mananatili lang ako bilang isang member.. pero hindi ko akalain na ako na pala ngayon yung mag aalaga sa mga bagong member.
Ang galing lang. Ang galing lang Nya.
May mga bagay talaga na hindi mo inaasahan na mangyayari.
Mga bagay na magpapangiti at magpapaluha sayo.
Mga bagay na sobrang babaunin mo saan ka man magpunta.