July 17.
Sa dami ng binigay ning Father na stock ng gulay samin, halos araw-araw na akong nakakapagluto ng gulay. Pwede ko na sabihin kay mama na hindi lang puro meat ang kaya kong lutuin. Hahahaha. Nakuha na rin namin yung order na toys for the pets, and both of them are happy. Minsan sabay silang naglalaro ng parehong laruan. Nakakatuwang tingnan pero nako, ang kalat na namam ng condo. Para talaga kaming may alagang bata.
Highlight of the day: Lagi naman kami nagkakausap and serious topics are not new to us. And yung umiyak ako is hindi rin bago. Marami-raming lakas ng loob ang kailangan kong ipunin para aminin sa isang tao ang fears ko sa buhay, relasyon to be specific. I'm just happy to know that someone tries to set my thoughts right, somehow who reminds me to stop overthinking. Masarap sa pakiramdam pag alam mong may isang tao na handa kang alalayan kahit alam mo sa sarili mo na minsan, ang hirap mo ng intindihin at pakisamahan. Someone will always listen, someone will always try to understand. You just have to be the first person to approach and be open.













