Torn in between
Yung nasa sitwasyon ka kung sa'n napapagitnaan ka ng mga away, chismisan, at kuru-kuro ng mga kaibigan mo patungkol sa isang tao na kaibigan mo rin... well di naman natin sila masisisi kung bakit nila ginagawa 'to against sa taong yun kasi baka rin naman may nagawa o napupuna silang di kaaya-aya sa kanya. Pero yung mahirap ay yung pinag-uusapan nila eh kaibigan mo rin mismo na pawang kabaitan ang pinapakita sayo at nakausap mo sa maraming bagay kasi marami kayo pagkakatulad sa isa't isa. sobrang hirap ng sitwasyon pag ganun. For sure naman di maiiwasang ma-ostracize ang taong yun at siguro naman di magtatagal eh makakahalata rin siya...
Kung isa ka taong may pinaniniwalaang prinsipyo at pinaninindigan ito, why not speak up! di yung para kang confession room na sinasabihan nila ng masasamang bagay against sa tao. syempre masasaktan ka rin. kaibigan mo yung tao eh. speak up for what you think ay tama! di yung sumasabay ka rin sa daloy ng buhay sa lahat ng oras. may mga bagay kasi na di dapat kinukunsinte. kung alam mong mali na yung ginagawa nila, sabihan mo sila na below the belt na yung paninira nila lalo pa kung yung mga kaibigan mo eh ang lakas kung makalait at maka puna ng pagkakamali ng iba. wari bang di rin sila nagkakamali... 'wag kang matakot! kasi ang tunay na kaibigan, kayang sabihin kung mali ang ginagawa ng mga kaibigan niya.
at para dun sa taong yun, malalaman at malalaman din naman niya ang totoo.. wala naman kasing lihim o sikreto ang di nabubunyag. pero siguro bilang isang kaibigan, responsibilidad mo ring sabihan siya upang maging aware siya sa mga kinikilos niya lalo pa na ito ang nagiging sanhi ng maraming di pagkakaintindihan ng bawat isa.














