Sa ngalan ng PAKIKIPAGKAPWA-TAO ay kailangan nating makiayon sa AGOS ng ating Kapaligiran; PERO sa NGALAN ng PRINSIPYO AT PANININDIGAN ay kailangan natin maging KASINGTIGAS NG BATO

#dc comics#dc#batman#tim drake#batfam#dick grayson#dc fanart#bruce wayne#batfamily






seen from United States
seen from United Kingdom
seen from United Kingdom

seen from Canada
seen from Russia
seen from China
seen from Germany

seen from United States

seen from United States
seen from Italy

seen from Brazil
seen from Switzerland
seen from Congo - Kinshasa
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Hong Kong SAR China
seen from Romania

seen from United States

seen from United States
Sa ngalan ng PAKIKIPAGKAPWA-TAO ay kailangan nating makiayon sa AGOS ng ating Kapaligiran; PERO sa NGALAN ng PRINSIPYO AT PANININDIGAN ay kailangan natin maging KASINGTIGAS NG BATO
Kung Ano ang PUNO, siya ang BUNGA.
Personally, I greatly disagree with this dictum. Why? For a fruit does not have the capacity to think and so to choose. On the other hand, people are given special talent which is the ability to think and so discern what to do about his life. Not because you are a son of a criminal you will become a criminal too. Not because you are son of wealthy and belongs to an almost perfect family, you will have that kind of family too once you settle your life. Don't believe what others are saying about you. Never get affected by their judgement. Why? Because among all it is you who knows who you really are. And so, your judgement about yourself is the fairest judgement of all. Get out of the box. Change your life. Persevere to become better person. Higitan .o yung mga paratang nila sayo na ganun ka. At maging buhay na patotoo na hindi lahat ng puno ay namumumga ng katulad nya.
Bumoto Ayon sa Prinsipyo
Bumoto Ayon sa Prinsipyo
Mabuhay! Nalalapit na namang maghalalan. Nagpa-file na ng COC ang mga nagnanais maglingkod sa ating mahal na bayan. Malamang ang ilan sa kanila, may malaking pangarap para sa ating bansa at sa lahat ng ating mga kababayan. Ikaw ba? May pangarap ka rin ba para sa ating bansa? Huwag kang mag-alala dahil may magagawa ka para sa pangarap mo kahit hindi ka tumakbo bilang presidente ng Pilipinas. Ano…
View On WordPress
10 Prinsipyo 4 years ago.
Habang nagbubutingting ako ng mga papel at scrapbook kanina, may nakita ako. Isang papel lang pero hindi ko maitapon-tapon, hindi dahil sa nakadikit sya sa scrapbook ko pero, dahil tuwing babasahin ko sya, napapa-isip ako kung ako ba talaga ang nagsulat nun. Natutuwa ako sa tuwing binabasa ko. Na-realize ko din na noon pa man mahilig nako sa arts mag design design, guhit guhit sa gilid, iba iba pa yung kulay ng pen. Ewan ko nalang talaga kung bakit nag tourism ako eh ang alam ko lang namang tour ay gala at cutting nung high school. jok lang nay. ;D Buti nalang nag-shift ako.
Noong 4th year high school ako, pinagawa kami ng seatwork ni Sir, AP (Araling Panlipunan) time namin nun. Sampong prinsipyo sa buhay. Paktay ka diha day! Anong alam ko dyan? Hindi ko nga alam ibig sabihin ng prinsipyo nung mga panahon na yun eh, sipilyo alam ko, prinsipyo hindi.
Pero na-amaze din ako sa mga sinulat ko infairview! Yung mga Bold Letters lang ang sinulat ko, yung mga paliwanag dinagdag mo nalang ngayon. Gusto ko lang i-share. #PrinsipyoNiPambihira #BawalKJUwiKana
10 Prinsipyo:
1. Gamitin ang lakas sa mabuti.
60 years lang ang life span mo. Swerte kana kung aabot kapa ng 61, parang kelan lang high school ka, tapos baka magulat ka nirarayuma kana. Kaya kung sasayangin mo lang ang buhay mo sa pang-gagancho, pang-bubully, pag hilata o panloloko, para kang isang malinis at mamahaling papel na pinamunas lang sa pwet at finlush sa banyo. #sadnglifemo
2. Kilalanin ang Diyos ng higit sa lahat.
Unang una, hindi ko sinasabing banal akong tao. Ang blog na ito ang magpapatunay na hindi ako ang pinakamabait at pinakamatalinong tao. Ang gusto ko lang ipunto, Diyos ang gumawa sayo, at kung hindi ka naniniwala sa Diyos, kelan ka maniniwala? Kapag nag meet and greet na kayo ni santanas sa dagat dagatang impyerno? Think. #MeetandGreetSaHell
3. Lahat ng nagmamahal, nasasaktan.
Sa give and take sa materyal na bagay kalang naniniwala pero sa aspeto ng Pag-ibig hindi? Te, nagmahal ka, natural masasaktan ka. Para kang tumatapyas ng laman sa puso mo at binibigay mo sa kanya tapos magrereklamo kang masakit. Push kita jan eh.
4. Kumilos ng naaayon sa kagustuhan ng Diyos, hindi ng tao.
Parang ganito. Alam mong magulang mo ang nakakaalam ng mabuti para sa'yo, pero barkada parin ang susundin mo, tapos pag napahamak ka, san ka pupulutin pag nagkagulo na? Edi babalik balik ka rin sa magulang mo. Sa bandang huli, tatawag ka rin sa Diyos.
5. Ang gawa mo ngayon ang gagawa ng iyong bukas.
Pag naglagay ka ng tirang ulam sa ref., kinabukasan pwede pang initin at kainin. Pero kung tinatamad ka naman, iwan mo nalang sa lamesa magdamag para bukas panis. Hindi lahat ng gusto mo, isusubo nalang sayo. Lahat may sakripisyo, pero wag kanang manghinayang, sa huli ikaw rin naman ang makikinabang.
6. Hindi lahat ng bagay ay naipapaalam sa pamamagitan ng salita.
Madaling magsabi ng "iloveyou". Madaling magsabing "okay lang yan". Pero hindi nabubuo ang istorya ng isang sitwasyon lang, kaya nga may climax pang tinatawag. Kung ang relasyon nyo ang nagpapatuloy lang dahil sa 300 texts nyong "iloveyou" sa isa't isa lang, utang na loob wag na kayong maglokohan. Check mo rin, baka pera pera nalang yan. "Action speaks louder than words" ika nga nila.
7. Buhay ang regalo sa iyo ng Diyos, kung paano mo ito gamitin ang iyo namang regalo sa kaniya.
Binigyan ka ng buhay ng Diyos. Hanggang ngayon ligtas kapa, nag babasa kapa nga eh. Hindi hinihingi ni Lord ang laman ng wallet mo ni ang cellphone mo, dahil ang gusto lang nya, ay ang buhay mo. Hindi porket hindi mo siya nakikita ng mukaan, hindi mo na ibabalik ang dapat sa kanya. Tandaan mo, sa isang iglap, pwede nyang bawiin ang lahat ng meron ka ngayon, kahit ang hininga mo.
8. Hindi lahat ng tumatawa, masaya.
Halos lahat kayang magpatunay nito. Kahit ako mismo, tatawa ako ,oo siguro dahil mababaw talaga ang kaligayan ko. Muka palang ni Jose Manalo, okay nako. Pero minsan kapag mag-isa ka nalang, dyan mo mararamdaman yung lungkot na pilit mong kinakalimutan sa harap ng maraming tao. #ConcealDontFeel
9. Mabuhay ka ng kung ano ka, hindi mo kailangang magpanggap.
Kahit sa gamit, lahat ng peke, depektado. Kaya kung mangpapanggap kalang sa buhay mo, bukod sa mabigat sa kalooban mo, wag ka lalong umasa na magiging totoo sila sayo.
10. Gusto o ayaw nila sa iyo, hindi naman sila ang gagawa ng kinabukasan mo.
Haters gonna hate sabi nga ni taylor swift. Lahat ng bagay may kontra, dahil ang buhay ay kailangang laging balanse lang. Kaya kung ayaw nila sayo, K.fly. Wag mong ipilit ang sarili mo sa mga taong ayaw sayo, intindihin mo nalang na katulad mo lang din silang may inaayawan. Minsan, mas mabuti pa ngang konti lang silang nasa tabi mo pero nagpapahalaga sayo, kesa marami nga sila, pero lahat hindi totoo. Pero isang katotohanan, walang taong perpekto.
Nung nabasa ko ang lahat ng to, natanto ko na parang wala parin akong gusto baguhin o burahin. Siguro may madadagdag, pero masaya ako at nasulat ko 'to. :D
Hindi talaga natin maiiwasang mapasama sa mga komplikadong sitwasyon tulad nalang sa pakikipagkaibigan.
Ako ay isang Psychology Student at layunin kong magpakatao.
Sa klase, ako ay nasa gitna. Sa mga kaklase ko tingin sa akin, palakaibigan, maingay, magulo at higit sa lahat patawa. Sa kabuudan, 'HYPER" daw. Bukod dyan, ako din daw ay mabait.
Aminado ako na sa paglalarawan sa akin ay ako yun at totoo. Sa klase, I'm trying to manage myself. Manage in a way na I'm living happy and brave. Bagamat ako'y nasa gitna, di talaga nating maiiwasang mapasama sa mga komlikadong sitwasyon tulad nalang sa pakikipagkaibgan.
Ano nga ba ang kaibgan? Diba sila yung nandyan in terms of good times and bad times. Well di yung kaibigan ko bestfriend ko yung pag uusapan a? kundi yung kaklase ko, yea! classmate ko. :D
Yung classmate kong yun, kilala bilang mabait, maganda, mukang bata, matalino at malakas ang leadership, pero sa una yan a. Una. Nung tumagal, madami syang nakabangga, as in napatumaba. Pati pa nga ako na sobrang bait at nakikipagfriend ng maayos sa knya binagga nya e, pero syempre, para sakin, di nya ako napatumba. :) galing no!? hahaha. Wellllll~ ginamit ko lang nman kindness ko dyan. Sabi ko nga sa twitter at isip ko, "Kill people with your kindness" and I kill her! ;) ngayon, sobra na syang kinamumuhian ng lahat dahil sa mga nagawa nya, ngayon wala syang kakampi, kasama, katawanan at lahat lahat. Di pa naman sya mukang loner kung tutuusin kasi dumidikit sya sa mga "naka kaya kaya" nya daw na tao, at ako yun and my company, sabi ng mga immature kong kaklase. Weird no? Kaasar. Since mabait ako, I forget everything that is bad. Gaya nung past namin na nagkainitan. tss -__- ngayon, I treat her like no one is treating to her. Haha! ano ba naman yang english ko. Basta ganun. Well syempre kasama ko mga kaibgan ko sa pakikipagsapalaran dyan.Kawawa sya, laging back stabbed and everything. Now, I'm involved at a very simple yet complicated situation. Yung mga classmates ko sinasabihan akong don't be with her kasi she deserve to be alone. Well, naawa ako e kaya I/we decide to sige, "be with us!" Alangan iwasan ko din kung di naman na ako galit at nakalimutan ko na yun? Sabi nga sa nabasa kong quotes sa "Pick and Reflect" thingy na pam pa bwenas and everything pamahiin sa Guidance Office, "Sometimes, life gives you two options: Losing yourself or losing someone else. Regarless of the situation,don't lose yourself" O diba? I'm learning! Alangan magpapa apekto ako sa nangyayari ngayon sa kanila, di ko din sya lalapitan, kakausapin, tatabihan and everything? Immature! para lang din magmuka syang kawawa sa loob ng klase kasi masama at di maganda ugali nya? Oh people! Common senseeeee. Diba?
Despite of those, nagpapasalamat parin ako sa concerns nila, why? kasi pinapaalala nila yung mga times na hindi mganda dahil sa knya and sa part nya, ganun din pa daw? Does she even feel what I feel before toward her? ang sa akin lang naman, nakalimutan ko na yun and magaan na sa akin ang lahat, di naman kasi ako kagaya nila na nagtatanim ng sama ng loob. We confonted each other yet, we became ok after all. Hayyy. When will people become brave and mature to deal with difficult people?
Ganun paman. I will stand on my own dignity. Respect dude!
Iwanan.
Ayos lang sakin na maiwan at iwanan. Atleast, hindi ako ang nang-iwan at sumira ng pangako.
Mahirap lumaban ng walang armas.
Mahirap makipagsagupaan sa isang laban na alam mong dehado ka. Yung tipong mapapaatras ka na lang at sasabihin sa sarili mo na talo ako sa laban na ito.
Ewan. Siguro, kahit talo, susubukan ko pa din. Susubukan ko pa din. Ganyan naman tayo eh, kahit talo na, kahit wala ng pagasa pa, lumalaban pa rin. Siguro, nature na natin yan, na kahit bumagsak pa tayo, tatayo at tatayo pa din.
Oo. Aminin natin, mahirap lumaban ng wala kang kasanggang armas. Pero mas mahirap lumaban kapag dadagain tayo, yung tipong wala kang lakas na loob. Yun naman talaga ang dapat hawakan natin. Siguro, duwag sila kasi may armas sila, pero ikaw na lumalaban at nakikipagsagupaan ng walang hawak na kahit ano kung hindi ang dignidad at prinsipyo. Yan an tunay na armas.
Online Check: Ang bawat ISA ay may kanya kanyang pagkukulang, may kanya kanyang prinsipyong pinaninindigan. Huwag natin silang husgahan